^

PSN Palaro

Globalport umeskapo

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Nakabangon ang Barangay Ginebra mula sa 15-point deficit sa second period.

Ngunit hindi nila nagawang talunin ang Globalport sa endgame.

Sumandal ang Batang Pier kina Terrence Romeo at Billy Mamaril sa fourth quarter para talunin ang Gin Kings, 89-85 at kunin ang una nilang panalo sa 2016 PBA Commissioner’s Cup kagabi sa Smart Araneta Coliseum.

Tumapos si Romeo na may 21 points, kabilang dito ang krusyal na three-point shot sa huling 55.5 segundo ng laro, para sa 1-1 baraha ng Globalport na nagpalasap sa Ginebra ng ikalawang sunod nitong kabiguan.

Itinayo ng Batang Pier ang 54-39 kalamangan sa dulo ng second period hanggang maagaw ng Gin Kings ang unahan sa 85-84 mula sa dalawang free throws ni seven-foot center Greg Slaughter sa huling 1:03 minuto ng final canto.

Nagsalpak si Romeo ng isang tres para ilayong muli ang Globalport sa 87-85 sa 55.5 segundo na sinundan ng dalawang foul shots ni Stanley Pringle sa nalalabing 2.0 segundo matapos ang mintis na triple ni Ginebra guard LA Tenorio.

Sa unang laro, nag­hulog ng tig-dalawang three-pointers sina Reil Cervantes at rookie Arthur Dela Cruz sa fourth quarter para tulungan ang Blackwater sa 110-102 panalo laban sa Mahindra.

Bukod sa kanilang mga tres ay sinandigan din ng Elite ang kanilang matibay na depensa para pigilin ang Enfocers na maitala ang kanilang ikalawang sunod na panalo.

Blackwater 110 – Lastimosa 26, Cervantes 24, Dela Cruz 19, Rhett 19, Reyes 12, Cortez 5, Gamalinda 2, Golla 2, Bulawan 1, Canada 0.

Mahindra 102 – Gilchrist 34, Dehesa 14, Canaleta 13, Ramos 10, Yee 8, Jaime 7, Bagatsing 5, Pinto 5, Digregorio 2, Guinto 2, Revilla 2, Alvarez 0, Hubalde 0.

Quarterscores: 25-20; 43-49; 77-75; 110-102.

Globalport 89  –  Romeo 21, Williams 19, Pringle 14, Mamaril 12, Semerad 7, Kramer 6, Jensen 5, Uyloan 3, Taha 2, Maierhofer 0, Sumang 0, Washington 0, Yeo 0.

Ginebra 85  –  Slaughter 20, Aguilar 16, Mercado 11, Caguioa 10, Jeffers 8, Thompson 8, Cruz 4, Ellis 4, Tenorio 4, Devance 0.

Quarterscores: 33-20, 56-43, 70-65, 89-85.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with