^

PSN Palaro

Slam-dunk king bida sa panalo ng US vs World

Pilipino Star Ngayon

TORONTO - Sa hanay ng mga pinakamahuhusay na rookies at sophomores sa liga, si Zach LaVine ang hinirang na Most Valuable Player ng 2016 Rising Stars Challenge ng NBA All-Star  festivities.

Naglista si LaVine ng 30 points at 7 rebounds at pinatumba ng United States team ang World team, 157-154.

Nagsalpak si LaVine, handang idepensa ang kanyang slam dunk title sa Sabado, ng 13-of-20 fieldgoal shooting para talunin sa MVP award si Andrew Wiggins, inangkin ang MVP honors noong nakaraang taon sa Brooklyn.

“I’m excited for tomorrow,” sabi ni LaVine. “I’m ready to put on a show.”

Nagposte naman si Kristaps Porzingis ng 30 points, habang nagtala si guard Emmanuel Mudiay ng 30 points at 10 assists para sa World team.

Tumapos si Wiggins ng 29 points sa paglalaro niya sa kanyang hometown fans.

Nag-ambag si Fil-American Los Angeles Lakers sophomore Jordan Clarkson ng 25 markers sa panig ng Americans.

Para sa mga fans na nanood, si Wiggins ang nagsilbing star attraction.

Sapul noong 14-anyos pa lamang ay nagpapakita na ang 20-anyos na si Wi­ggins ng mga matitinding slam dunks at acrobatic shots at hinirang na No. 1 overall ng Timberwolves sa nakaraang season bago tuluyang makamit ang Rookie of the Year award.

Tinawag siyang ‘Maple Jordan’ at marami ang umaasang maglalaro siya para sa Raptors. “It felt great,” wika ni Wiggins.

Sinabi pa ni Wiggins na balak niyang magbakasyon ng ilang araw sa Manila bago muling sumabak sa NBA regular season.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with