^

PSN Palaro

Solo 2nd kuha ng Lady Spikers

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Pansamantalang nasolo ng De La Salle University ang ikalawang puwesto matapos mabilis na dispatsahin ang Adamson University, 25-13, 25-13, 25-16 kahapon sa pagpapatuloy ng UAAP Season 78 women’s volleyball tournament sa The Arena sa San Juan City.

Solido ang larong ipinakita ng Lady Spikers sa pa­ngunguna ni dating Most Valuable Player Ara Galang na pumalo ng 10 puntos.

Nagdagdag ng tig-siyam na puntos sina Mary Joy Baron at Kim Fajardo samantalang may tigwa-walo sina Mika Reyes, May Luna at Carol Cerveza.

Sumulong sa 3-1 ang La Salle sa ilalim ng nagde­depensang Ateneo de Manila University na may imakuladang 3-0 rekord.

Walang manlalaro ng Adamson ang nagtala ng double digits kung saan tanging si May Roque lamang ang nagbigay ng maganda-gandang laro tangan ang siyam na puntos.

Nalaglag ang Lady Falcons sa 1-2 rekord.

Sa men’s division, dinungisan ng University of the Philippines ang dating malinis na rekord ng National University sa bendisyon ng 25-19, 25-20, 31-29 panalo.

Bumida para sa Fighting Maroons si Wendel Miguel na umukit ng 20 puntos mula sa 17 atake at tatlong blocks habang sumuporta si Niccolo Consuelo at Alfred Valbuena na may pinagsamang 20 puntos.

Umangat sa 2-1 rekord ang UP habang ang NU ay nahulog sa parehong 2-1 marka.

Nasungkit naman ng University of Santo Tomas ang unang panalo nito ma­tapos pasadsarin ang University of the East, 25-21, 26-24, 25-18.

Umiskor si Manuel Andrei Medina ng 16 habang nagdagdag si Tyrone Tan Carodan ng 12 para dalhin ang Growling Tigers sa 1-2 rekord.

Lumasap ng ikaapat na sunod na kabiguan ang Red Warriors.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with