^

PSN Palaro

Solo 2nd pakay ng Lady Spikers vs Lady Falcons

Pilipino Star Ngayon

Laro Ngayon

 (The Arena, San Juan)

8 a.m.  UST vs UE (M)

10 a.m. UP vs NU (M)

2 p.m.  DLSU vs AdU (W)

4 p.m.  UST vs FEU (W)

 

MANILA, Philippines - Puntirya ng La Salle na masolo ang ikalawang puwesto sa pakikipagtipan nito sa Adamson University ngayong hapon sa pagpapatuloy ng UAAP season 78 women’s volleyball tournament sa The Arena sa San Juan City.

Maghaharap ang Lady Spikers at Lady Falcons sa unang laro sa alas-2 na susundan ng duwelo ng University of Santo Tomas at Far Eastern University sa alas-4.

Kasosyo ng La Salle ang National University sa No. 2 spot tangan ang parehong 2-1 rekord habang nangunguna ang nagdedepensang Ateneo de Manila University na may malinis na 3-0 marka.

Bigo ang Lady Spikers na makuha ang ikatlong panalo matapos lumasap ng 16-25, 24-26, 25-14, 23-25 kabiguan sa kamay ng Lady Bulldogs noong Miyerkules matapos magtala ng 31 unforced errors.

Umaasa si La Salle mentor Ramil de Jesus na makababalik sa porma ang kanilang bataan sa pangunguna nina Mary Joy Baron, Mika Reyes, Ara Galang at setter Kim Fajardo.

Ang Adamson naman ay galing din sa 5-17, 20-25, 20-25, 20-25 pagkatalo laban sa NU noong nakaraang linggo.

Malakas ang Adamson sa floor at net defense subalit kailangan din nitong maglatag ng matinding puwersa sa opensa partikular na sina Jessica Galanza, Myleen Paat, May Roque at Erika Alkuino.

Sa kabilang banda, nais ng UST na makabangon mula sa 0-2 pagkakalugmok.

Natalo ang Tigresses sa Adamson (22-25, 21-25, 25-20, 30-28, 14-16) at Ateneo (22-25, 20-25, 25-21, 15-25.

Mamanduhan nina Cherry Rondina, Carmela Tunay, Ria Menses at Jessey De Leon ang atake ng UST laban sa FEU hitters na sina Toni Basas, Remy Palma, Jerrili Malabanan, Heather Guino-o at Bernadeth Pons.

Sa men’s division, target ng NU na masungkit ang ikatlong dikit na panalo sa pakikipagtipan sa University of the Philippines sa alas-10 ng umaga habang magtutuos ang UST at University of the East sa unang laro sa alas-8.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with