Enforcers naka-buwenamano
Laro Ngayon
(Philsports Arena)
3 p.m Meralco
vs Talk ‘N Text
5:15 p.m. Rain or Shine vs Star
MANILA, Philippines - Parehong hindi nagposte ng eksplosibong mga numero sina imports Augustus Gilchrist ng Mahindra at Brian Williams ng Globalport.
Kaya naman ang mga locals ang umagaw ng eksena.
Nakahugot ng double figures sa anim nilang manlalaro, pinatumba ng Enforcers ang Batang Pier, 111-98 sa 2016 PBA Commissioner’s Cup kagabi sa Smart Araneta Coliseum.
Nagpasabog si Niño Canaleta ng kabuuan niyang 20 points sa first half, habang tumapos naman sina LA Revilla, Matt Digregorio, Karl Dehesa, Mark Yee at Bradwyn Guinto ng 17, 14, 12, 11 at 10 markers, ayon sa pagkakasunod para sa 1-0 baraha ng Mahindra.
“We need to control the perimeter players and malimit namin ‘yung mga role players nila,” sabi ni coach Chito Victolero.
“It’s a total team effort. We worked on our consistency,” wika pa ni Victolero.
Nagtala naman ang 6-foot-9 na si Gilchrist ng 10 points, 7 rebounds at 3 assists para sa kanyang PBA debut.
Kinuha ng Mahindra ang 13-point lead, 60-47, sa first half hanggang makadikit ang Globaloport sa 61-62 sa 8:18 minuto ng third period kung saan kumamada si Terrence Romeo ng 16 points.
Muli namang makalayo ang Enforcers sa pagsasara nito, 82-76 hanggang iposte ang 12-point advantage, 90-78 sa 9:54 minuto ng fourth quarter.
Huling nakalapit ang Globalport sa 89-92 agwat sa kalagitnaan ng fourth period kasunod ang inihulog na 11-0 bomba ng Mahindra para ipadyak sa 103-89 ang kanilang bentahe sa huling 2:57 minuto ng laro.
Ang basket ni Yee ang tuluyan nang sumelyo sa unang panalo ng Enforcers, naglaro nang wala si playing coach Manny Pacquiao.
Mahindra 111 - Canaleta 20, Revilla 17, Digregorio 14, Dehesa 12, Yee 11, Gilchrist 10, Guinto 10, Ramos 9, Pinto 5, Jaime 3.
Globalport 98 - Romeo 41, Williams 13, Pringle 12, Mamaril 9, Jensen 6, Taha 6, Yeo 4, Semerad 3, Kramer 2, Sumang 2, Maierhofer 0, Pena 0, Uyloan 0.
Quarterscores: 31-23; 60-47; 82-76; 111-98.
- Latest