^

PSN Palaro

Asian Taekwondo Qualification para sa Rio kasado na sa Abril

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Itataguyod ng Philippine Taekwondo Association (PTA) ang Asian Taekwondo Olympic Qualification na gaganapin sa Abril 16 hanggang 17 sa Marriot Convention Center Grand Ballroom sa New Port Complex, Pasay City.

Mahigit 40 bansa ang magbabakbakan upang makahirit ng puwesto sa 2016 Olympic Games na naka­takda sa Agosto sa Rio de Janeiro, Brazil.

Nagpasalamat ang pamunuan ng PTA sa tiwa­lang ibinigay ng World Taekwondo Federation para maging host ng naturang torneo na may basbas din ng Asian Taekwondo Union.

“It’s a big honor for our country to be chosen by the World Taekwondo Federation (WFT) to host this event,” pahayag ni Organizing Committee Chairman Sung Chon Hong.

Mapapalaban ng husto ang mga Pinoy jins sa  Asian meet kaya’t inimbitahan ng PTA ang powerhouse Korean National Sports University (KNSU) team upang makasama ng Pambansang koponan sa pagsasanay sa Maynila.

Ang KNSU ay kilalang Korean taekwondo school na siyang nagsanay sa ilang Olympic at world champions. Kabilang sa mga tinututukan ng grupo ang pagbibigay ng teknik at pagpapataas ng kumpiyansa ng mga atleta bago sumabak sa laban.

Magsasanay ang Pinoy squad kasama ang mga Koreans ng dalawang beses sa isang araw simula sa Marso 6 hanggang 22 kasunod ang isa pang training camp sa Marso 28 hanggang Abril 10 na gaganapin sa PTA headquarters sa Rizal Memorial Sports Complex.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with