^

PSN Palaro

Bakers matikas pa rin sa itaas

Pilipino Star Ngayon

Laro sa Lunes (Filoil Flying V Arena, San Juan)

2 p.m UP/QRS JAM Liner vs Mindanao

4 p.m Phoenix-FEU vs Caida Tile

 

MANILA, Philippines – Nakabangon ang Cafe France mula sa 24 puntos na pagkakabaon bago itakas ang 90-87 makapigil-hiningang panalo laban sa Caida Tiles upang manati­ling malinis ang kartada nito sa 2016 PBA D-League Aspirants’ Cup.

Tumipa si Carl Bryan Cruz ng 26 puntos mula sa kanyang impresibong 8-of-11 field goal shoo­ting kasama pa ang limang rebounds upang tulungan ang Bakers na makuha ang ikaapat na sunod na panalo at mapatatag ang kapit sa solong pamumuno.

Matikas din ang inilatag na laro ni Paul Zamar na humakot  ng 25 puntos, apat na boards at tatlong assists habang nagtala ng double-double na 18 puntos at 14 rebounds si Rod Ebondo para sa Cafe France.

“I said na we’re a new team, and nakita natin na I only have eight guys who can play these kind of games. Yung mga bago, yung iba kinakabahan pa. But at least, the team showed heart, and even though we’re a new team, we showed that we’re a champion,” wika ni coach Egay Macaraya.

Nanguna para sa Caida si Philip Paniamogan na may 15 puntos gayundin si Rey Nambatac na humatak ng 13 puntos, siyam na rebounds at pitong assists.

Laglag sa 3-1 ang Caida.

Sa unang laro, namayani ang Tanduay kontra sa Wangs Basketball, 90-75, tungo sa kanilang ikalawang dikit na panalo sa apat na laro.

Nagtulong sina Rudy Lingganay at Adrian Santos na umiskor ng tig-16 puntos habang nagdagdag ng 14 si Reden Celda at 12 si Von Pessumal para sa Rhum Masters.

Ang Wangs naman na bumagsak sa 1-3 ay humugot ng tig-13 mula kina Clark Bautista at Mark Romero.

Cafe France 90 - Cruz 26, Zamar 25, Ebondo 18, Jeruta 9, De Leon 8, Villahermosa 3, Manlangit 1,  Arim 0.

Caida Tile 87 - Paniamogan 15, Nambatac 13, Perkins 12, Cabrera 11, Jalalon 9, Lozada 7, Grey 6, Javier 6, Corpuz 2, Gabawan 2, Maiquez 2, Robles 2, Terso 0.

Quarters: 24-23, 40-56, 67-67, 90-87.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with