Caida, CafeFrance pag-aagawan ang liderato
MANILA, Philippines – Ito ang sinasabing magiging Finals preview ng 2016 PBA D-League Aspirants’ Cup.
Nakatakdang pag-agawan ng Caida Tile at CafeFrance ang solong liderato ngayong alas-4 ng hapon sa Ynares Sports Arena.
Parehong nagtataglay ng 3-0 record ang Tile Masters, Bakers at Phoenix-FEU Tamaraws.
Sa unang laro sa alas-2 ng hapon ay magtatagpo naman ang Tanduay at Wangs Basketball.
“I think Caida is the team to beat this conference,” sabi ni CafeFrance head coach Egay Macaraya sa Caida ni mentor Caloy Garcia.
Nagmula ang Bakers sa 94-73 panalo laban sa UP QRS/JAM Liner Maroons noong nakaraang Huwebes para iposte ang kanilang ikatlong sunod na ratsada.
Muling aasahan ng CafeFrance sina Congolese big man Rod Ebondo, Carl Bryan Cruz, Samboy de Leon at Paul Zamar.
“Hopefully, the boys play a much better game para maka-compete kami sa kanila,” dagdag pa ni Macaraya.
Nais naman ng Tile Masters na masundan ang kanilang 110-106 pagtakas sa Wangs Basketball noong nakaraang Huwebes.
“They’re a champion team. They’re experienced and they’re really good. They know how to adjust,” sabi ni Garcia sa Bakers na naghari sa Foundation Cup. “It’s going to be a tough game.”
Matapos ang CafeFrance ay makakatapat ng Caida ang Phoenix-FEU at UP QRS/JAM Liner.
“The next three games are the top three geams for me. Siguro by that time, we’ll see how good we really are,” wika ni Garcia.
- Latest