^

PSN Palaro

San Antonio Spurs pinatumba ang Heat

Pilipino Star Ngayon

MIAMI - Pitong puntos lamang ang agwat sa kaa­gahan ng fourth quarter, na­niwala ang Miami Heat na kaya nilang talunin ang San Antonio Spurs.

Ngunit ang naturang pag-asa ay nawala sa loob ng 16 segundo.

Kumamada si LaMar­cus Aldridge  ng 28 points, ha­bang nagdagdag si Kawhi Leo­nard ng 23 markers pa­ra tulungan ang Spurs na talunin ang Heat, 119-101.

Ito ang ikaanim na pag­ka­kataon na tinalo ng San Antonio ang Miami sapul no­ong 2014 NBA Finals.

Nag-ambag si Danny Green ng 15 para sa pang-limang sunod na arangkada ng Spurs.

Umiskor naman si guard Dwyane Wade ng 20 points mula sa kanyang 9-for-12 fieldgoal shooting sa panig ng Heat na nalasap ang ka­nilang ikalawang dikit na ka­biguan.

Tumipa si Chris Bosh ng 18 points at humakot si center Hassan Whiteside ng 14 points at 6 rebounds bago napatalsik sa mahalagang bahagi ng fourth period.

Nakuha ni Whiteside ang isang flagrant foul 2 ma­tapos sikuhin si Boban Mar­janovic sa kanilang pag-aagawan ng posisyon sa re­bound.

Bumangon ang Miami mula sa 15-point deficit sa third quarter hanggang ma­kadikit sa 80-87 sa 9:51 minuto sa laro.

Subalit sa isang poses­yon ay nawala ang tsansa ng Heat.

Nagsalpak si Patty Mills ng isang four-point play nang ma-foul ni Beno Udrih sa three-point line.

Ang flagrant foul 2 kay Whiteside ang nagresulta sa technical free throw ni Marjanovic kasunod ang jumper ni Leonard.

At matapos ito ay mu­ling umangat ang Spurs sa 94-80.

Sa Oakland, kumayod si reigning NBA MVP Stephen Curry ng 35 points, 9 assists at 6 rebounds at naungusan ng Golden State Warriors ang paghahamon ng Houston Rockets sa fourth quarter para ilista ang 123-110 panalo.

Nagdagdag si center Andrew Bogut ng 13 points, 11 rebounds, 3 steals at season-high 6 blocked shots - ang tatlo rito ay kanyang gi­nawa sa fourth period.

Naipanalo ng Golden State ang kanilang ika-42 sunod na regular-season home game at may 24-0 kartada sa Oracle Arena nga­yong season.

Dalawang home victory na lamang ang kailangan ng Warriors para mapantayan ang NBA-record home winning streak na 44 games ng Chicago Bulls mula noong March 30, 1995 hanggang April 4, 1996.

Tumapos naman si guard James Harden, hindi na­ka­iskor sa first quarter, na may 37 points, 5 assists at 5 re­bounds sa pang-walong su­nod na kabiguan ng Houston laban sa Golden State.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with