^

PSN Palaro

Ateneo, La Salle target ang win No. 3

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Pakay ng defending two-time champion Ateneo de Manila University at De La Salle University na ma­patatag ang kapit sa liderato sa pakikipagtipan sa hiwalay na bakbakan ngayong hapon sa UAAP Season 78 women’s volleyball tournament sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.

Makakasagupa ng Lady Eagles ang Far Eastern Uni­versity Lady Tamaraws sa unang laro sa alas-2 at makakatipan ng Lady Spi­kers ang National University Lady Bulldogs sa alas-4.

Magkasalo ang Ateneo at La Salle sa liderato sa mag­kaparehong 2-0 rekord.

Kinailangan ng Ateneo ng malakas na puwersa pa­ra pigilan ang University of Santo Tomas, 25-22, 25-20, 21-25, 25-15, noong Sa­­bado.

Kinakailangan ng Ate­neo na mapatatag pa ang depensa partikular sa re­cep­tion upang magbigyan ng magandang set up sina Valdez, utility spiker Amy Ahomiro, Bea de Leon at Maddie Madayag.

Bumangon ang FEU sa masaklap na kabiguan sa opening day nang itarak nito ang 25-18, 25-11, 21-25, 25-14 panalo kontra University of the East.

 

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with