^

PSN Palaro

Texters lalabanan ang Elite na wala ang kanilang import

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Sa kanilang tune-up game pa lamang ng Blackwater noong Enero 30 ay muling ipinakita ni Talk ‘N Text import Ivan Johnson ang kanyang pagiging siga.

Itinulak ni Johnson sa mukha si 6-foot-8 center JP Erram bago sinuntok si forward Frank Golla sa na­turang laro na nagresulta sa kanyang one-game sus­pension at multang P50,000.

Dahil dito ay hindi ma­­ka­kalaro ang 6-foot-8 na si Johnson sa unang pagde­de­pensa ng korona ng Tro­­pang Texters laban sa Elite nga­yong alas-4:15 ng hapon sa 2016 PBA Commissioner’s Cup sa Smart Araneta Coliseum.

Sa ikalawang laro sa alas-7 ng gabi ay magsu­su­katan naman ng lakas ang Star Hotshots at ang Meralco Bolts.

Sa kabila ng pagkakaro­on ng magaspang na kilos ay walang plano ang Talk ‘N Text na humanap ng ka­palit ni Johnson, naglaro sa NBA para sa Atlanta Hawks.

Ngunit walang nakaka­alam kung kailan ‘puputok’ si Johnson na tanging nakontrol lamang ng Tropang Texters noong nakaraang taon sa pamamagitan ni team captain Jimmy Alapag, nagretiro noong 2015 PBA All-Star Game at hinugot ng Meralco.

Sa pag-upo ni Johnson ay aasahan ni coach Jong Uichico sina top two roo­kies Moala Tautuaa at Troy Rosario bukod pa sa mga beteranong sina Jayson Castro, Kelly Williams, Ryan Reyes at Harvey Ca­rey.

Nagpapagaling naman ng kanyang back injury si 6’5 power forward Ranidel De Ocampo matapos ang isang aksidente habang nag­bubuhat ng barbell sa kanilang weight training sa pagsisimula ng nakaraang PBA Philippine Cup.

Inaasahang sasamantalahin ng Blackwater ni mentor Leo Isaac ang kawalan ng reinforcement ng Talk ‘N Text sa pagpaparada kay si 6’9 import MJ Rhett.

Noong nakaraang PBA Philippine Cup ay nakuha ng Elite ang huling silya sa quar­terfinals matapos sibakin ang Bolts at Mahindra Enforcers.

Samantala, muling aa­sahan ng Star si PBA Best Im­port Denzel Bowles sa pagsagupa sa Me­ralco na itatapat si Arinze Onuako, pumalit sa may injury na si Malcom Thomas.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with