^

PSN Palaro

Durant binanderahan ang Thunder laban sa Suns

Pilipino Star Ngayon

PHOENIX - Kumamada si Kevin Durant ng 25 sa kan­yang 32 points sa second half at nakalayo ang Oklahoma City Thunder sa huling apat na minuto ng laro para pabagsakin ang Suns, 122-106.

Ipinalasap ng Thunder sa Suns ang pang-walong su­nod nitong kamalasan.

Umabante ang Phoenix ng anim na puntos sa third quarter bago nagsalpak si Durant ng dalawang three-pointers na kasama sa pinakawalang16-4 atake para sa pa­nalo ng Oklahoma City.

Nagdagdag si point guard Russell Westbrook ng 29 points para sa Thunder, nagmula sa 108-116 kabiguan sa Golden State Warriors noong Sabado.

Pinamunuan naman ni Markieff Morris ang Suns sa kanyang 23 points, habang may 20 si Archie Goodwin at 17 si Mirza Teletovic.

Matapos kunin ng Suns ang 89-85 abante sa huling 1:19 minuto ng quarter ay naghulog ang Thunder ng 17-1 bomba para agawina ng 99-88 kalamangan sa 8:48 minuto sa fourth period.

Muling nailapit ni Goodwin ang Phoenix sa 102-106 agwat sa 4:18 minuto hanggang magtuwang sina Durant at Westbrook para ilayo ang Oklahoma City sa 120-106 sa huling 1:30 minuto.

Sa Cleveland, nagposte si LeBron James ng 21 points, 10 rebounds at 10 assists para sa kanyang pang-40 career triple-double at igiya ang Cavaliers sa 120-100 panalo sa Sacramento Kings.

Pinantayan naman ni point guard Kyrie Irving ang kanyang season high na 32 points na tinampukan ng 13-of-21 fieldgoal shooting bukod pa sa pagduplika sa career high niyang 12 assists para sa Cleveland.

Sa Philadelphia, tumipa si J.J. Redick ng 23 points, tampok dito ang panablang 3-pointer sa regulation, para tulungan ang Los Angeles Clippers sa 98-92 overtime win kontra sa 76ers.

Nagtala rin si Jamal Crawford ng 23 points para sa Los Angeles, nakabangon mula sa 19-point deficit.

Sa Atlanta, umiskor si Nikola Vucevic ng 25 sa kanyang 28 points sa second half at nakabalik ang Orlando Magic mula sa 20-point deficit para resbakan ang Hawks sa overtime, 117-110.

Ang tres ni Kyle Korver ang naglapit sa Hawks sa 110-112 bago nagsalpak ng kanyang triple si Evan Fournier para sa 115-110 abante ng Magic.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with