Team Circle kampeon sa Quezon City Pride Cup
MANILA, Philippines - Naging matagumpay ang pagdaraos ng kauna-unahang Quezon City Pride Volleyball Cup sa Amoranto Sports Complex noong Linggo.
Ito ang sinabi ni Quezon City councilor Mayen Juico, ang main proponent ng gender-equality ordinance ng lungsod, sa nasabing two-day event na nagbigay ng pagkakataon sa gay community na ipakita ang kanilang talento.
“We’re so happy to successfully stage this first-ever Pride Cup,” sabi ni Juico na dumalo sa awarding ceremony kasama sina Philippine Superliga (PSL) president Ramon “Tats” Suzara. “It goes to show that we are actively taking part in the development of our community and giving a fair chance to our LBGT constituents to get actively involved in sports.”
Ang Team Circle naghari sa torneo matapos talunin ang Braganza, 25-23, 25-20, 12-25, 25-19, noong Linggo.
Isa sa limang koponang kumakatawan sa host city, tinalo ng Team Circle ang eight-player roster ng Braganza para angkinin ang korona ng torneong inorganisa ng Sports Core at ng City Council ng Quezon para sa mga miyembro ng LBGT community.
Bago matalo sa Team Circle ay nakalusot muna ang Braganza sa dalawang do-or-die matches.
Pinatumba nila ang Instituto Estetico Manila (IEM)-A sa semifinals para maitakda ang finals game nila ng Team Circle.
KInuha ng Braganza ang third set, 25-12, hanggang kumulapso sa fourth frame na nagbigay ng panalo sa Team Circle.
Inangkin ng Team Circle ang cash prize na P20,000 bukod pa sa eleganteng tropeo at ang kanilang star player na si Jolas Lopez ang hinirang na Most Valuable Player (MVP).
Binigo ng Sesahood ang Joan’s Angels, 25-13, 25-23, 26-24, para sikwatin ang third-place plum.
- Latest