^

PSN Palaro

Paul nagbida sa 4th quarter para sa panalo ng Clippers

Pilipino Star Ngayon

MIAMI -- Ito na ang pinakamasamang panimula sa laro ni All-Star guard Chris Paul.

Ngunit naging perpekto naman ang kanyang pagta­tapos para ipanalo ang Clippers.

Ang magkasunod na three-pointers ni Paul sa dulo ng fourth quarter ang dumiskaril sa pagbangon ng Heat pa­ra akayin ang  Los Angeles Clippers sa 100-93 panalo.

“I kept shooting it  because sooner or later it had to go in,” wika ni Paul na umiskor ng game-high na 22 points para sa Clippers.

Nagdagdag si J.J. Redick ng 14 points, habang may 10 si Wesley Johnson at humakot sina DeAndre Jordan at Cole Aldrich ng tig-11 rebounds para sa Clippers, winalis ang kanilang two-game season series ng Heat.

“That was a team win because nobody really had it going,” wika ni Clippers coach Doc Rivers. “But our defense really had it going all game.”

Pinamunuan naman nina Chris Bosh, Dwyane Wade at Goran Dragic ang Heat sa kanilang tig-17 points, samantalang nag-ambag si Luol Deng ng 15 points.

Tumapos naman si Hassan Whiteside na may 10 points at 10 rebounds mula sa bench.

Nagtala si Paul ng malamyang 0-for-7 fieldgoal shoo­ting sa opening period, ang pinakamasamang one-quarter shooting performance sa kanyang NBA career, at may 0-for- 9 bago naipasok ang kanyang tira.

Ngunit ang kanyang dalawang 3-pointers sa fourth period ang pumigil sa pagresbak ng Heat bukod pa sa kanyang lob pass kay Jordan para sa slam dunk ng sentro.

Naglalaro pa rin ang Clippers na wala si star forward Blake Griffin dahil sa hand injury.

Sa New York, humugot si Emmanuel Mudiay ng siyam sa kanyang 15 points sa fourth-quarter run at dinaig ng Denver Nuggets ang Knicks, 101-96.

Nagdagdag sina Knicks forward Danilo Gallinari at Will Barton ng tig-19 points para sa Nuggets, naipanalo ang tatlo sa kanilang huling apat na laban.

Binanderahan ni Kristaps Porzingis ang New York sa kanyang 21 points at 13 rebounds.

Ito ang pang-limang dikit na kamalasan ng Knicks, nakakuha kay Carmelo Anthony ng 21 points, 7 assists at 6 rebounds.

Sa Orlando, kumonekta si Nik Vucevic ng isang 18-footer sa pagtunog ng final buzzer para itakas ang Magic laban sa Atlanta Hawks, 96-94, at iposte ang ka­nilang ikatlong panalo sa huling 18 laro.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with