^

PSN Palaro

Lady Eagles dinagit ang Tigresses para sumosyo sa liderato

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Sumosyo sa liderato ang nagdedepensang Ateneo De Manila University matapos dagitin ang University of Santo Tomas, 25-22, 25-20, 21-25, 25-15, kahapon sa UAAP Season 78 women’s volleyball tournament sa The Arena sa San Juan City.

Kagaya ng inaasahan, sumandal ang Lady Eagles sa matikas na laro ni reigning Most Valuable Player Alyssa Valdez na umiskor ng 23 puntos tampok ang 20 atake, ha­bang sumuporta sa pagkakataong ito si Jhoanna Ma­raguinot na nagdagdag ng 12 puntos.

Nailista ng Ateneo ang ikalawang dikit na panalo upang samahan sa unahan ng team standings ang De La Salle University na may malinis na 2-0 baraha.

Laglag sa 0-2 ang Tigresses sa kabila ng pinagsamang 32 puntos nina Cherry Ann Rondina at EJ Laure.

Sa ikalawang laro, rumesbak ang Far Eastern University mula sa masaklap na kabiguan sa kanilang unang asig­natura nang gulpihin ang University of the East, 25-18 25-11 21-25 25-14.

Napaganda ng Lady Tamaraws ang kanilang rekord sa 1-1, samantalang nanatiling walang panalo ang Lady Warriors sa dalawang pagsalang.

Sa men’s division, naiselyo ng National University ang 25-23, 25-23, 25-20 pananaig kontra De La Salle University para makuha ang ikalawang panalo.

Nagbida para sa Bulldogs si James Martin Natividad na pumalo ng 14 puntos katuwang sina Kim Malabunga at Bryan Bagunas na may 13 at 12, ayon sa pagkakasunod.

Umiskor si Wendell Miguel ng 21 puntos para tulungan ang University of the Philippines na kunin ang 25-17, 22-25, 25-19, 25-21 panalo laban sa UST.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with