^

PSN Palaro

Curry, Warriors hindi mapigilan; dating Ginebra import naglaro sa Suns

Pilipino Star Ngayon

OAKLAND, California - Tatlong panalo na lamang ang kailangan ng nagdedepensang Golden State para maduplika ang ginawa ng Chicago Bulls (1995-96) na pinakamahabang home winning streak sa NBA history.

Ito ay matapos talunin ng Warriors ang Oklahoma City Thunder, 116-108, sa likod ng 26 points ni Stephen Curry, habang nagdagdag si Harrison Barnes ng 19 markers.

Dumiretso ang Golden State sa kanilang pang-41 sunod na regular-season home game win.

Nagdagdag si Klay Thompson ng 18 points para sa ika-siyam na sunod na ratsada ng Warriors (46-4) at pantayan ang nailista ng 1966-67 Philadelphia 76ers para sa best record matapos ang 50 laro.

Binanderahan ni Kevin Durant ang Thunder sa kanyang 40 points at 14 rebounds at nagdagdag si Russell Westbrook ng 27 points at 12 assists.

Sa Phoenix, tinalo ng Utah Jazz ang Suns, 98-89, kung saan nagpasikat si dating Ginebra import Orlando Johnson para sa kanyang pagbabalik sa NBA.

Tumapos si Johnson na may 7 points sa loob ng 19 minuto para sa Phoenix, nagpapirma sa kanya ng 10-day contract.

Nalasap ng Suns ang kanilang pang-pitong sunod na kamalasan at may 2-22 record sa kanilang huling 24 laro.

Naglaro si Johnson para sa Ginebra noong 2015 Governors Cup kung saan siya nagtala ng mga averages na 33.67 points, 11.25 rebounds at 3.83 assists sa 12 laro.

Sa Houston, umiskor si Damian Lillard ng 21 points at 10 assists para igiya ang Portland Trail Blazers sa 96-79 panalo sa Rockets.

Ipinoste ng Trail Blazers ang 19-point lead sa halftime at iniskor ang unang anim na puntos sa third quarter para iwanan ang Rockets sa 61-36 sa nasabing yugto.

Umiskor si James Harden ng apat na sunod na puntos para sa Houston bago nagpakawala ang Portland ng 13-2 atake mula sa mga tres nina Lillard, C.J. McCollum at Al-Farouq Aminu para muling lumayo sa 74-42.

Umiskor si Harden ng 33 points para sa Rockets.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with