Cray pang-lima sa World Tour
MANILA, Philippines – Habang papalapit ang 2016 Olympic Games sa Rio de Janeiro, Brazil ay patuloy naman ang pagpapalakas ni Fil-Am hurdler Eric Shaun Cray.
Nagtala si Cray ng bilis na 6.60 segundo sa nilahukang World Tour sa Karlsruhe, Germany recently.
Ang naturang itinakbo ni Cray, ang tanging lahok ng bansa sa Rio Olympics sa kasalukuyan matapos makapasa sa 400-meter Olympic standard sa isang event sa Los Angeles, USA noong 2015, ay malapit sa 50m dash record sa Southeast Asian Games.
Tumapos si Cray sa pang-limang puwesto sa World Tour na pinagharian ni Michael Rodgers ng US matapos magsumite ng oras na 6.52 segundo kasunod si 2003 century dash world champion Kim Collins na may tiyempong 6.54 segundo.
Pumuwesto naman sina Americans Trell Kimmons (6.28) at Joseph Morris (6.28) at ikatlo at ikaapat.
Inungusan ni Cray si Dutch Churandy Martina, nakapasok sa finals ng 100m at 200m noong 2008 at 2012 Olympics.
- Latest