^

PSN Palaro

Lady Spikers hinatawan ang Lady Maroons

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Tinuhog ng De La Salle University ang University of the Philippines, 25-14, 25-13, 19-25, 25-20, upang masolo ang liderato sa UAAP Season 78 women’s volleyball tournament kahapon sa The Arena sa San Juan City.

Humataw ng 17 puntos si middle hitter Mary Joy Baron mula sa kanyang 12 hits, apat na blocks at isang ace para bitbitin ang Lady Spikers sa ikalawang sunod na panalo.

Naramdaman din ang puwersa ni rookie Ernestine Grace Tiamzon na bumira ng 13 gayundin ang nagbabalik-aksyong si Ara Galang na may parehong 13 puntos, habang nagdagdag ng 12 si Carol Cerveza at 10 si Mika Reyes.

Nahulog sa 1-1 baraha ang Lady Maroons na nakakuha ng 15 puntos mula kay Isabel Molde at 10 kay Justine Dorog.

Nalimitahan sa anim na puntos si team captain Ka­therine Bersola at isa la­mang si Nicole Tiamzon.

Sa ikalawang laro, kinubra naman ng National University Lady Bulldogs ang unang panalo sa torneo matapos sakmalin ang Adamson University Lady Falcons, 17-25, 25-20, 25-20, 25-20.

Halimaw ang inilatag na laro ni Jaja Santiago nang magpakawala ng 18 atake ka­sama ang isang block at isang aces para sa Lady Bulldogs na umangat sa 1-1 baraha.

Sumuporta sina Myla Pablo at Jorelle Singh na umis­kor ng 13 at 11, ayon sa pagkakasunod.

Nalaglag sa 1-1 baraha ang Lady Falcons na su­mandal sa 17 puntos ni Jes­sica Galanza.

Sa men’s division, mabilis na iginupo ng nagdedepensang Ateneo de Manila University ang Far Eastern Uni­versity, 25-18, 25-19, 25-13, para sa ka­nilang ika­lawang dikit na pa­nalo.

Humataw ng tig-11 points sina Ysrael Marasi­gan at Rex Intal.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with