^

PSN Palaro

Growee Basketball Camp Stage 2 sa Sta. Lucia Mall

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Pangungunahan nina UAAP MVP Kiefer Ravena at Rain or Shine head coach Yeng Guiao ang pagtuturo at pagbibigay ng inspirasyon sa mga batang kalahok sa Growee Basketball camp.

Inorganisa ng Trizach Events at Ry3byrs Sports sa pamumuno ni coach Randy Alcantara, higit sa 200 batang basketbolista ang sumali sa dalawang yugto ng Growee Basketball Camp kung saan nila nakasalamuha ang mga Gilas Pilipinas players na sina Japeth Aguilar ng Barangay Ginebra at Larry Fonacier ng Talk N Text.

Ayon kay Alcantara, ang mga nanalo sa Gro­wee 3x3 tournament sa Sta. Lucia Mall noong Oktubre 30 at sa magwawagi sa ngayon ay lalaban sa finals sa Disyembre sa kani-kanilang age bracket sa Sta Lucia Mall.

Katuwang din ng Gro­wee Basketball Camp ang il Centro, Sta. Lucia Mall, ang pinakamalaking mall sa Metro East, Accel, Sta Lucia Healthcare, Wilson, Tobys, Spenco lifetime Rockman, Prulike Uk, Gerrys Grilled, Giligans at  Olympic Village Sta Lucia Brach.

Kailangan lamang magdala ng basyo ng 250ml Growee para makapagpatala sa kampo para sa mga batang may edad na 12-anyos pababa.

vuukle comment

ACIRC

BARANGAY GINEBRA

BASKETBALL CAMP

GERRYS GRILLED

GILAS PILIPINAS

GROWEE BASKETBALL

GROWEE BASKETBALL CAMP

JAPETH AGUILAR

KIEFER RAVENA

LARRY FONACIER

LUCIA MALL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with