^

PSN Palaro

Matitikas na tankers mag-aagawan sa karangalan sa PSL National Series

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Muling magbabakba­kan ang mahuhusay na tan­kers sa bansa sa pag­larga ng 87th Philippine Swimming League (PSL) National Series - 8th Sen. Nikki Coseteng Swimming Championship na ga­ganapin sa Disyembre 5 hanggang 6 sa Diliman College swimming pool sa Quezon City.

Ang torneo ay magsisilbing qualifying tournament para sa prestihiyosong World University Games na idaraos sa Taipei, Taiwan sa 2017 gayundin sa malalaking international tournaments na lalahukan ng PSL sa susunod na taon kagaya ng Indian Ocean All-Star Challenge sa Australia, Phuket Invitational Swimming Championship sa Thailand at Hong Kong Stingrays Swim­ming Meet.

“This competition is open to all. We are ope­ning the doors to everyone who wants to qualify to the Universiade. Competing in this Olympic-like multisporting event is a once in a lifetime experience and we want  to share this opportunity to the young ones,” ayon kay PSL president Susan Papa.

Para sa mga nagnana­is makakuha ng puwesto sa Universiade, ang isang swimmer ay kinakailangan naka-enrol sa tertiary level (college) at may edad na 17 hanggang 28-anyos.

Gagawaran ng me­dalya ang tatlong mangu­nguna sa bawat event, ha­bang bibigyan naman ng tropeo ang mga tatanghaling Most Outstanding Swimmer sa kani-kaniyang age groups.

Magkakamit naman ng tig-P1,500 papremyo ka­lakip ang President’s Tro­phy ang dalawang tan­kers (isa sa babae at isa sa lalaki) na magtatala ng pinakamataas na FINA points.

Para sa mga detal­ye ay maaring tumawag sa 09328800400 o sa 09267204153.

Ang PSL ay galing sa matagumpay na kampan­ya sa 2015 Japan Invitational Swimming Championships sa Tokyo kung sa­an humakot ito ng 19 gin­to, 10 pilak at 10 tansong medalya.

vuukle comment

ACIRC

ANG

DILIMAN COLLEGE

HONG KONG STINGRAYS SWIM

INDIAN OCEAN ALL-STAR CHALLENGE

JAPAN INVITATIONAL SWIMMING CHAMPIONSHIPS

MOST OUTSTANDING SWIMMER

NATIONAL SERIES

NIKKI COSETENG SWIMMING CHAMPIONSHIP

PHILIPPINE SWIMMING LEAGUE

SHY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with