^

PSN Palaro

Sa Shakey’s V-League best-of-3 championship series Valdez ibabandera ng PLDT laban sa Army

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Isang mas mabangis na PLDT Home Ultera ang haharap kontra sa Philippine Army sa Game 1 ng kanilang Shakey’s V-League Season 12-Reinforced Conference best-of-three championship se­ries na lalaruin bukas sa The Arena sa San Juan City.

Ito ay matapos kumpir­mahin ni PLDT coach Ro­ger Gorayeb ang pagba­balik-aksiyon ng reig­ning Open at Collegiate Con­fe­rence Most Valuable Pla­yer na si Alyssa Valdez upang lalo pang palakasin ang kaniyang lineup.

“She told me she’ll play,” ani Gorayeb.

Hindi nakapaglaro si Val­dez sa eliminasyon at semis dahil sumabak ito sa beach volleyball tour­nament ng University Athletic Association of the Philippines na sinabayan pa ng back injury.

Subalit matapos ang ilang linggong pahinga, handang handa na si Val­dez na muling ilatag ang kaniyang malulupit na atake at matutulis na serve para tulungan ang Ul­trafast Hitters laban sa La­­dy Troopers.

Makakasama ni Val­dez sa frontline ang American imports na sina da­ting US NCAA Division I standouts Victoria Hurtt at Sareea Freeman gayun­din sina dating MVP Aiza Pontillas at Janine Marciano.

“It will mean more at­tac­­king options for us with Alys­sa around,” ani Gora­yeb.

Umusad sa finals ang PLDT matapos gapiin ang University of the Philippines, 25-11, 25-17, 25-17 habang ang Army ay na­na­ig laban sa Navy, 25-16, 25-10, 25-22, sa kanya-kanyang semis games.

Sa kabila ng matikas na lineup, naniniwala si Go­rayeb na hindi magi­ging madali ang kanilang tatahakin dahil taglay ng Ar­my ang malalim na ka­ra­nasan bilang isang solidong koponan.

“We’re taller, yes. But they’re a more expe­rienced team and they’ve been together longer than us,” ani Gorayeb.

Magugunitang natalo ang PLDT sa Army sa ka­nilang unang paghaharap noong Oktubre 25 sa iskor na 23-25, 25-23, 11-25, 25-19, 13-15.

Mamumuno para sa La­dy Troopers sina Tina Sa­­lak, Jovelyn Gonzaga, Aby Maraño at Honey Royse Tubino.

vuukle comment

ABY MARA

ACIRC

AIZA PONTILLAS

ALYSSA VALDEZ

ANG

COLLEGIATE CON

DIVISION I

GORAYEB

HOME ULTERA

HONEY ROYSE TUBINO

SHY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with