^

PSN Palaro

Alaska tatargetin ang solong liderato

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon

Laro Ngayon (Smart Araneta Coliseum)

4:15 p.m. Alaska vs NLEX

7 p.m. Rain or Shine vs Barako Bull

 

MANILA, Philippines – Aminado si Alaska coach Alex Compton na isa na namang ‘acid test’ ang kanilang dadaanan sa pagsagupa sa mainit na NLEX.

Nanggaling ang Aces sa 107-102 panalo laban sa Star Hotshots noong nakaraang Martes kung saan nakatulong sa kanila ang da­lawang mintis ni two-time PBA Most Valuable Player James Yap sa krusyal na ba­hagi ng fourth quarter.

Ang layup ni Cyrus Baguio sa huling 7.4 segundo ang sumelyo sa naturang ika­lawang sunod na panalo ng Alaska.

Target na masolo ang li­derato, lalabanan ng Aces ang Road Warrios ngayong alas-4:15 ng hapon kasunod ang upakan ng Rain or Shine Elasto Painters at ng Barako Bull Energy sa alas-7 ng gabi sa 2015 PBA Philippine Cup sa Smart Ara­neta Coliseum.

“We had a couple of late game transition buckets that really helped us,” sabi ni Compton sa nasabing panalo ng Alaska sa Star pa­ra makasosyo sa lidera­to ang nagdedepensang San Miguel sa magkatulad nilang 5-1 baraha.

Nakamit naman ng NLEX ang kanilang panga­lawang dikit na ratsada nang itakbo ang 93-91 pa­nalo laban sa Meralco no­ong Martes.

“I told the boys that we have to be consistent. Hopefully, we’ll address our con­sistency and hopefully our offense will just come in,” wiika ni mentor Boyet Fer­nandez sa kanyang Road Warriors.

Babanderahan nina Casio, Cyrus Baguio, Calvin Abueva, Sonny Thoss, Vic Ma­nuel at Dondon Hontiveros ang Alaska laban kina Anthony, Asi Taulava, Jonas Villanueva, Kevin Alas at Chi­co Lanete ng NLEX.

Sa ikalawang laro, ha­ngad naman ng Rain or Shine ang kanilang ikalawang sunod na panalo sa pag­harap sa Barako Bull.

Umiskor ang Elasto Painters ng 103-81 panalo kon­tra sa Blackwater Elite no­ong nakaraang Sabado.

Sa naturang panalo ng Rain or Shine ay kumolekta si sophomore guard Jericho Cruz ng career-high na 23 points, 3 assists, 2 re­bounds at 1 steal.

vuukle comment

ACIRC

ALEX COMPTON

ANG

ASI TAULAVA

BARAKO BULL

BARAKO BULL ENERGY

BLACKWATER ELITE

BOYET FER

CALVIN ABUEVA

CYRUS BAGUIO

SHY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with