^

PSN Palaro

Para sa NBA best record na 16-0 Warriors tinambakan ang Lakers ng 34-pts

Pilipino Star Ngayon

OAKLAND, California – Tuluyan nang nagtala ang defending champion Golden State Warriors ng record para sa best start sa NBA history sa 16-0 nang umiskor si Stephen Curry ng 24 points at 9 assists sa kanilang 111-77 pagdurog sa Los Angeles Lakers.

Sa pansamantalang pagkawala ni coach Steve Kerr, nilampasan ng Warriors ang 15-0 starts ng Wa­shington Capitols noong 1948-49 at ng Houston Rockets noong 1993-94.

Nalaglag ang mga confetti sa sahig nang tumunog ang final buzzer kung saan hindi halos nakapagdiwang ang mga Golden State players.

Nagdagdag si Draymond Green ng 18 points, 7 rebounds at 5 assists para sa pagpapalawig ng Warriors sa kanilang franchise-record home winning streak sa 27 games.

Kasalukuyang nagpapagaling si Kerr matapos sumailalim sa dalawang back surgeries.

Si interim Luke Walton, nakakuha ng dalawang NBA title habang naglalaro para sa Lakers, ang kasaluku­yang gumagabay sa Warriors.

Ang Golden State ang naging sixth team sa NBA history na nanalo ng 20 sunod na regular-season games matapos noong nakaraang season.

Ipinahinga ni Walton si Curry sa huling 6.5 segundo sa third period at pinalakpakan ng sellout crowd na 19,596.

Tumipa naman si Klay Thompson ng 11 points para sa Warriors na kinuha ang 27-9 bentahe sa 1:41 minuto sa opening period.

Tumipa si Kobe Bryant ng 1-of-14 fieldgoal shooting para tumapos na may 4 points na siya ng pinakamasamang performance ng kanyang career.

Nahulog ang Lakers sa 2-12 na siyang second-worst record sa NBA.

Sa iba pang laro, tinalo ng Atlanta Hawks ang Boston Celtics, 121-97; pinadapa ng Memphis Grizzlies ang Dallas Mavericks, 110-96; binigo ng Chicago Bulls ang Portland TrailBlazers, 93-88 at pinatumba ng Los Angeles Clippers ang Denver Nuggets, 111-94.

vuukle comment

ACIRC

ANG

ANG GOLDEN STATE

ATLANTA HAWKS

BOSTON CELTICS

CHICAGO BULLS

DALLAS MAVERICKS

DENVER NUGGETS

DRAYMOND GREEN

GOLDEN STATE

GOLDEN STATE WARRIORS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with