^

PSN Palaro

Garcia pinasiklaban ang Enforcers sa Biñan

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Malaki ang naitulong ni JC Intal sa paglayo ng Barako Bull sa first half.

Ngunit sa pagsapit ng fourth quarter ay si point guard RR Garcia naman ang nagbida.

Humugot ang 5-foot-9 na si Garcia ng 16 sa kanyang 26 points sa final canto para tulungan ang Energy sa 93-85 paggiba sa Mahindra Enforcers sa 2015 PBA Philippine Cup kagabi sa Alonte Sport Center sa Binan, Laguna.

Nagsalpak si Garcia, produkto ng Far Eastern University Tamaraws sa UAAP, ng magandang 10-of-14 fieldgoal shooting para ihatid ang Barako Bull sa kanilang ikalawang sunod na panalo.

Nabigo naman ang Mahindra na maduplika ang kanilang 103-93 panalo laban sa NLEX.

“The reminder is just to keep going,” sabi ni coach Koy Banal. “Keep on wor­king hard doing the things that we’re doing from day one, and that is working hard in practice. Iyon ang Barako Bull’s way namin.”

Nagdagdag si Intal ng 20 points, habang may 11 si William Wilson.

Matapos kunin ng E­nergy ang 10-point lead, 69-59, sa pagsasara ng third period ay nakalapit ang Enforcers sa 65-71 agwat sa likod nina Mark Yee at Chito Jaime sa kaagahan ng fourth quarter.

Ngunit nag-init ang mga kamay ni Garcia at kumamada ng solong 7-0 atake para muling ilayo ang Barako Bull sa Mahindra, 78-65, sa 6:01 minuto nito.

Huling nakalapit ang Enforcers sa 81-88 agwat sa 1:40 minuto ng labanan mula sa dalawang free throws ni Yee.

Ang three-point shot ni Garcia kasunod ang kanyang dalawang foul shots ang nagbigay sa Energy ng komportableng 93-83 bentahe sa nalalabing 51.7 segundo.

Kasalukuyan pang nag­lalaban ang Barangay Ginebra at Meralco Bolts habang sinusulat ito.

Barako Bull 93 – Garcia 26, Intal 20, Wilson 11, Baracael 9, Pennisi 6, Monfort 5, Lanete 4, Miranda 3, Urbiztondo 3, Andrada 2, Caperal 2, Sorongon 2, Fortuna 0.

Mahindra 85 – Yee 17, Revilla 14, Jaime 9, Dehesa 7, Hubalde 6, Pascual 6, Ramos 6, Webb 6, Canaleta 5, Guinto 4, Alvarez 2, Laure 2, Bagatsing 1, Pinto 0.

Quarterscores: 22-18; 48-41; 69-59; 93-85.

vuukle comment

ACIRC

ALONTE SPORT CENTER

ANG

BARAKO BULL

BARANGAY GINEBRA

CHITO JAIME

FAR EASTERN UNIVERSITY TAMARAWS

GARCIA

INTAL

KOY BANAL

MAHINDRA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with