^

PSN Palaro

FIFA World Cup qualifier: Azkals uulit sa Bahrain

Pilipino Star Ngayon

Laro Ngayon (Bahrain National Stadium)

11 p.m. (Manila time) Bahrain vs Philippines

MANILA, Philippines –  Ipapakita ng Philippine Azkals na kaya nila ang Bahrain sa ikalawang pagtutuos sa FIFA World Cup qualifiers ngayon sa Bahrain National Stadium.

Ang larong ito ang si­mula ng second round sa home-and-away kompetis­yon sa Group H at hanap ng dayong Nationals ang maulit ang 2-1 panalo na nailista sa Bahrain sa u­nang laro sa Group H noong Hunyo 11 sa Pilipinas.

Mataas ang morale ng tropa ni coach Thomas Dooley dahil nahiritan nila ng scoreless draw ang North Korea na ginawa sa Pyongyang noong Oktubre 8.

Nasa ikatlong puwesto ang Pilipinas taglay ang pitong puntos sa 2-1-1 win-draw-loss baraha at kasunod ng North Korea na  may 10 puntos (3-1-0) at Uzbekistan na may siyam na puntos (3-0-1).

Ang Bahrain ay mayroon lamang tatlong puntos na nakuha sa isang panalo at tatlong talo pero hindi puwedeng magkumpiyansa ang Azkals dahil magpupumiglas ang home team para hindi mapahiya sa mga manonood.

“This is an important battle for us. They have a chance to take third place and they will come after us like any game,” wika ni Dooley sa makakatunggali.

Dahil magkadikit ang away games na hinarap ng Azkals kaya’t hindi na isinabak sa mahirap na pagsasanay ni Dooley ang mga manlalaro kungdi ikinokon­disyon na lamang niya ang isipan ng bawat Az­kals para maging handa sa makakalaban.

vuukle comment

ACIRC

ANG

ANG BAHRAIN

AZKALS

BAHRAIN

BAHRAIN NATIONAL STADIUM

GROUP H

LARO NGAYON

NORTH KOREA

PHILIPPINE AZKALS

PILIPINAS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with