^

PSN Palaro

Cignal susubukan ang Philips Gold

ATan - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Ikalawang sunod na panalo ang pagsisikapang abutin ngayon ng Cignal HD Lady Spikers habang mag-uunahan sa pagba­ngon mula sa kabiguan ang Petron Lady Blaze Spikers at Meralco Power Spikers sa pagpapatuloy ng 2015 Philippine SuperLiga (PSL) Grand Prix women’s volleyball sa The Arena sa San Juan City.

Ito ang unang pagkakataon na magdaraos ng aksyon ang ligang inorga­nisa ng SportsCore at handog ng Milo at Asics na mapapanood din sa TV5 at tiyak na matutuwa ang mga sasaksi dahil inaasa­hang matinding aksyon ang matutunghayan sa apat na maglalabang koponan.

Kalaban ng HD Lady Spikers ang Philips Gold Lady Slammers sa tampok na laro dakong alas-6:15 ng gabi at sasakyan nila ang momentum sa naitalang 18-25, 17-25, 25-16, 25-18, 16-14 five sets upset panalo laban sa nagdedepensang kampeon Lady Blaze Spikers.

Ang nasabing tagum­pay ay magtitiyak na pag­hahandaan na ang Cignal ng iba pang kasaping koponan bagay na alam ni coach Sammy Acaylar.

“Lahat naman ng teams ay naghahanda kaya of course, naghahanda rin kami,” wika ni Acaylar.

Pangunahing manla­laro ng koponan ay ang ma­husay na si 6’1 Ariel Usher na nagpakawala ng 29 kills tungo sa 31 puntos.

Hindi rin pahuhuli ang nadiskubre sa Bacolod na si Fritz Joy Gallenero na tumapos taglay ang 14 puntos at ang isa pang matangkad na import na si 6’2  Amanda Anderson.

Tiyak na handa ang Philips Gold na tapatan ang puwersa ng Cignal para sa magarang pagbubukas ng kampanya sa huling conference ng liga.

Rambulan para sa u­nang panalo ang magaganap sa Petron at Meralco sa unang laro sa ganap na alas-4:15 ng hapon.

vuukle comment

ACIRC

AMANDA ANDERSON

ANG

ARIEL USHER

CIGNAL

FRITZ JOY GALLENERO

GRAND PRIX

LADY BLAZE SPIKERS

LADY SPIKERS

MERALCO POWER SPIKERS

SHY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with