Gorayeb puntirya ang Grand Slam sa Shakey’s V-League Reinforced meet
MANILA, Philippines - Bagama’t pinahalagahan ang team play, umaasa si coach Roger Gorayeb na makumpleto ang isang pesonal na hangarin sa pagsabak ng PLDT Home Ultera sa Shakey’s V-League Season 12 Reinforced Conference na hahataw bukas sa The Arena sa San Juan City.
Iginiya ni Gorayeb ang koponan sa klasikong five-setter ng sudden death--isa sa Open Conference noong Hunyo at tinulungan ang National University sa isa na namang title victory via sudden death laban sa Ateneo para sa Collegiate Conference crown noong nakaraang linggo.
Ngayon ay hangad niyang makumpleto ang personal grand slam.
Sa pagbandera sa isang star-studded roster sa pangunguna ni MVP Alyssa Valdez, kumpiyansa si Gorayeb na kanilang makamit ang korona ng season-ending conference.
“I’m not thinking of the individual accolades but I’m more concerned on helping my players grow and if we can help it, win championships for the team,” wika ni Gorayeb, target ang kanyang ikaanim na titulo sa ligang inihahandog ng PLDT Home Ultera at katuwang ang Mikasa at Accel.
Hindi makikita si Valdez sa unang mga laro ng PLDT dahil sasabak siya sa 78th UAAP beach volley competition kasama si Ateneo teammate Bea Tan.
Nangako si Valdez na kakampanya para sa PLDT matapos ang UAAP.
Bukod sa PLDT, ang iba pang kasali sa import-laced weekend-only tournament ay ang Army, Navy, Coast Guard, University of the Philippines at baguhang Kia Motors Forte.
- Latest