^

PSN Palaro

Letran iiwas sa Perpetual para sa asam na twice-to-beat

ATan - Pilipino Star Ngayon

Laro Ngayon

(The Arena, San Juan City)

8 a.m.  San Sebastian

vs Jose Rizal U (Jrs)

10 a.m.  EAC

vs Mapua (Jrs)

12 nn.  San Sebastian

vs Jose Rizal U (Srs)

2 p.m. EAC  vs Mapua (Srs)

4 p.m.  Perpetual Help

vs Letran  (Srs)

6 p.m.  Perpetual Help

 vs Letran (Jrs)

 

MANILA, Philippines - Magpupursigi ang Letran Knights na umiwas sa pagdaan sa playoff sa pagharap laban sa Perpe­tual Help Altas sa tampok na laro sa pagtatapos ng 91st NCAA men’s basketball elimination round ngayon sa The Arena sa San Juan City.

Magsisimula ang ak­syon dakong alas-4 ng hapon at nais ng Knights na saluhan ang San Beda Red Lions sa itaas ng standings at hawak ang mahalagang twice-to-beat advantage sa Final Four.

Galing ang tropa ni coach Aldin Ayo mula sa 73-77 pagkatalo sa Red Lions noong Martes at kung mabigo sila ay may posibilidad na sumalang pa sila sa knockout game para madetermina ang kukumpleto sa huling tatlong puwesto sa semifinals.

Ang Jose Rizal University Heavy Bombers ay haharap sa San Sebastian sa ganap na alas-12 ng tanghali habang ang host Mapua Cardinals ay makikipagpalitan ng buslo sa  Emilio Aguinaldo College Generals dakong alas-2 ng hapon at kapwa nangangailangan ng panalo para magpatuloy ang paghahabol na makaiwas sa maagang bakasyon.

May magkakatulad na 11-6 baraha ang Altas, Heavy Bombers at Cardinals kaya’t sakaling sila ay manalo, magkakaroon ng 5-way tie, kasama ang pahingang Arellano Chiefs, sa ikalawa hanggang ikaanim na puwesto sa 12-6 marka.

Kapag nangyari ito ay ira-rank ang mga magkakatablang  koponan bago isagawa ang step-ladder playoffs para madetermina ang makakasama ng San Beda sa semifinals.

“We want to make the Final Four without any complications so expect us to be in our top form,” wika ni Ayo.

vuukle comment

ACIRC

ALDIN AYO

ANG

ANG JOSE RIZAL UNIVERSITY HEAVY BOMBERS

ARELLANO CHIEFS

FINAL FOUR

JOSE RIZAL U

NBSP

PERPETUAL HELP

SAN JUAN CITY

SAN SEBASTIAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with