^

PSN Palaro

MVP susuporta pa rin sa SBP kahit ‘di na presidente

ATan - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Itinakda sa Enero ang eleksyon para sa bagong pangulo ng Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP).

Nagpulong kahapon ang SBP board sa PLDT office sa Makati City sa pangunguna ng pangulong si Manny V. Pangilinan at kumilos ang grupo para masunod ang Konstitusyon and By-Laws ng samahan patungkol sa halalan ng mga opisyales.

Ang termino ni MVP at 12 iba pang board members ay napaso na noon pang Pebrero 25 pero ipinagpatuloy nila, sa kagustuhan din ng body, ang paninilbihan dahil na­ging abala pa ang SBP sa isinagawang FIBA World Cup bidding at ang paghahanda ng Pambansang koponan sa FIBA-Asia Men’s Championship sa Changsa, China.

Hindi naman makaka­takbo pa ang businessman/sportman sa pampa­nguluhan dahil nakasaad sa batas ng SBP na hanggang dalawang termino lamang puwedeng manilbihan ang isang pangulo ng samahan.

“I told the board that they should respect the rules which I myself have draft way back in 2006. I don’t what to be violating the rules which I have craft,”  wika ni Pangilinan sa pulong pambalitaan.

Hindi naman siya nag-endorso ng tao na puwedeng pumalit sa kanya pero nakikita niya na maraming puwede sa puwesto na mas bata at puno ng ideya kung paano ipagpapatuloy ang tagumpay na tinamasa ng bansa sa mga nakalipas na taon.

Kredito kay Pangilinan ang dalawang silver me­dals na nakuha sa 2013 at 2015 FIBA Asia Men’s Cham­pionship bukod sa pagpasok ng Pilipinas sa 2014 World Cup na hu­ling nangyari noon pang 1978 nang ang bansa ang tumayong host ng kompetisyon.

Bilang pagkilala sa mga nagawa ni MVP ay nagkaisa rin ang board na magtatag ng posisyong ‘Chairman Emeritus’ na ibibigay sa papaalis na pangulo ng SBP.

Wala mang kapangyarihan, tiniyak pa ni Pa­ngilinan na patuloy niyang susuportahan ang mga programa sa basketball ng bansa sa mga susunod pang mga taon.

vuukle comment

ACIRC

ANG

ASIA MEN

CHAIRMAN EMERITUS

KONSTITUSYON AND BY-LAWS

MAKATI CITY

MANNY V

PANGILINAN

PILIPINAS

SAMAHANG BASKETBOL

WORLD CUP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with