^

PSN Palaro

May laban sana ang Gilas Pilipinas sa China kung nagkaroon ng mahabang preparasyon

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Pitong buwan naghanda ang mga Chinese para pag­harian ang nakaraang 2015 FIBA Asia Championship sa Changsha, China.

Ayon kay Samahang Basketbol ng Pilipinas executive director Sonny Barrios, kung nabigyan pa ng mas mahabang panahon ang Gilas Pilipinas ay malamang na naiuwi nila ang gold medal.

“Nagsanay ang China ng pitong buwan, tayo dalawang buwan lang. If coach Tab Baldwin had another month mas may laban sana,” wika kahapon ni Barrios sa PSA sports forum sa Shakey’s Malate.

Matapos matalo sa Palestine­ sa una nilang laro ay pitong sunod na panalo ang itinala ng Nationals, kasama ang paggiba sa four-time FIBA Asia champions na Iran, para makapasok sa gold medal round laban sa China.

Ngunit sa finals ay kitang-kita ang hindi pagiging pa­milyar ng Gilas Pilipinas sa bawat isa.

“I think it was before or after the game against Iran game when I told myself that if Tab had more time, mas may laban,” ani Barrios.

Pormal na inihayag ang Gilas Pilipinas lineup noong Setyembre 8 halos dalawang linggo bago simulan ang 2015 FIBA Asia Championship.

Halos pitong buwan namang nagsanay ang China kung saan sila naglaro sa iba’t ibang bansa.

Inamin ni Barrios na hindi naglaro ng maganda ang “Magnificent 12” nang makatapat ang matatangkad na Chinese sa finals.

“Everybody will agree that we did not play our best in that game,” sabi ni Barrios.

Maliban sa kakulangan ng panahong maghanda ay nakaapekto rin sa laro ng Nationals ang iba’t ibang pan­darayang ginawa ng Chinese.

Nariyan ang hindi pagpapagamit sa kanila ng bus pa­tungo sa venue, hindi pagbebenta ng tiket sa mga mga miyembro ng coaching staff at maging sa mga Pinoy fans.

Sa warm up drill ay sinadya namang palitan ng China ang net sa ring ng Gilas Pilipinas.

“May mga rituals ang bawat players. Kapag hindi ito na­sunod ay maaaring makaapekto ito sa laro niya,” sabi ni Barrios. “Biro mo ba namang habang nagpapainit sina Jayson Castro, Dondon Hontiveros and others ay bigla nilang pa­palitan ‘yung net natin.”

“Kahit hindi sa neutral ground, kahit sa bakuran nila ay tatalunin natin sila. Hindi naman kailangan ng China ‘yung mga ginawa nilang distractions sa atin kasi malakas na team na sila eh,” dagdag pa ng SBP official.

vuukle comment

ACIRC

ANG

ASIA CHAMPIONSHIP

DONDON HONTIVEROS

GILAS PILIPINAS

HINDI

JAYSON CASTRO

SAMAHANG BASKETBOL

SHY

SONNY BARRIOS

TAB BALDWIN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with