^

PSN Palaro

Jalalon muling pinalakas ang pag-asa ng Chiefs sa Final Four

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Napatunayan muli na lumalabas ang galing ni Giovani Jalalon kapag nakakatapat ang mga mahuhusay na guards sa 91st NCAA men’s basketball.

Kaharap ang San Beda Red Lions at nasa must-win pa ang Arellano Chiefs, kinargahan pa ni Jalalon ang lebel ng paglalaro para angkinin ng Chiefs ang 91-72 panalo.

Tumapos si Jalalon bitbit ang 25 puntos at siya ang nagpasiklab sa magandang panimula sa unang yugto at ang paglayo ng Chiefs sa ikatlong yugto para manati­ling palaban ang koponan sa Final Four sa pagsalo sa Perpetual Help Altas at Jose Rizal U Heavy Bombers sa ikatlo hanggang ikalimang puwesto sa 11-6 baraha.

May walong assists, pitong rebounds at dalawang steals pa, ang ipinakita ni Jalalon ang nagbangon sa Chiefs mula sa dalawang sunod na pagkatalo para igawad sa point guard ang Accel Quantum/3XVI-NCAAPress  Corps Player of the Week.

Ito ang ikalawang citation mula sa mga mamamahayag at online reporters na kumokober sa NCAA ni Jalalon at ang una ay nangyari sa unang linggo ng Setyembre matapos tulungan ang Chiefs na pataubin ang Altas sa isa nilang labanan.

Ito na ang pangalawang sunod na panalo ng Chiefs sa 5-time defending champion San Beda sa season para ipakita na handa sila sakaling maganap uli ang pagtutuos sa championship.

Ang Red Lions at Chiefs ang nagkita sa finals noong nakaraang taon at nangibabaw ang San Beda gamit ang 2-0 sweep. (AT)

vuukle comment

ACCEL QUANTUM

ANG

ANG RED LIONS

ARELLANO CHIEFS

CHIEFS

CORPS PLAYER OF THE WEEK

FINAL FOUR

GIOVANI JALALON

ITO

JALALON

SAN BEDA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with