^

PSN Palaro

Pro football league ikakasa sa 2017

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Magkakaroon ng hina­harap ang mga men’s foot­ball players dahil sa na­pipintong pagtatayo ng professional league sa bansa sa 2017.

Ayon kay Philippine Football Federation (PFF) secretary-general Ed Gastanes, kasalukuyan ng isinasagawa ang market research ng nirerespetong Nielsen, Philippines at kasama sa survey  ang kung sinu-sino ang mga puwedeng isama at saang lugar puwedeng isagawa ang unang edisyon.

Ang model ng Australia ang siyang sinusunod ng PFF dahil tulad ng nasabing bansa, hindi number one sport ang football pero buhay na buhay ang kanilang pro league kaya maganda ang kanilang football program.

Sa plano ay 12 teams ang bubuo sa unang taon at hindi mga corporate names ang dadalhin ng mga koponan kungdi ang kani-kanilang Local Go­vernment Units para mas mapamahal sa kanilang nasasakupan.

Ang PFF ang siyang major stock holder sa itatatag na holding firm habang ang mga kasa-ling koponan ang kukuha sa ibang shares upang ma­ging transparent ang pamamalakad sa liga.

Hindi rin magiging problema ang bubuuing pro league sa United Football League (UFL) dahil amateur league ito at maa­aring gamitin para hasain ang mga batang manlalaro bago umakyat sa pros. (AT)

vuukle comment

ACIRC

ANG

AYON

ED GASTANES

LEAGUE

LOCAL GO

MAGKAKAROON

MGA

PHILIPPINE FOOTBALL FEDERATION

SHY

UNITED FOOTBALL LEAGUE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with