^

PSN Palaro

Digmaan ng Asul at Berde sa Bigdome ngayon

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon

Laro Ngayon (Mall of Asia Arena, Pasay City)

11 a.m.  UP vs Adamson

4 p.m.  La Salle vs Ateneo

MANILA, Philippines – Matapos makabangon sa isang kabiguan ay tatargetin naman ng Ateneo De Manila University  na makalapit sa nangungunang Far Eastern University at University of Sto. Tomas.

Puntirya ang kanilang ikalawang sunod na panalo, lalabanan ng Blue Eagles ang karibal na La Salle Green Archers nga­yong alas-4 ng hapon sa 78th UAAP men’s basketball tournament sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.

Kasalukuyang magka­sosyo sa liderato ang Tamaraws at Tigers sa magkatulad nilang 5-1 record kasunod ang Blue Eagles (4-2).

Ang bawat laro ng Ateneo at La Salle ay itinuturing na isang championship game dahil sa intensidad ng bawat player.

“This is a big game because of the rivalry of the two schools. But it’s still one game for us and it’s a matter of getting a win or a loss,” sabi ni Blue Eagles’ coach Bo Perasol sa pagsagupa nila sa Green Archers ni mentor Juno Sauler.

Muling aasahan ng Ateneo sina Kiefer Ravena at Von Pessumal, habang ibabandera naman ng La Salle sina Jeron Teng, Thomas Torres at Jason Perkins.

Nanggaling ang Blue Eagles sa 56-43 paggupo sa Fighting Maroons ng University of the Philippines, samantalang nakalasap ang Green Archers ng 61-77 pagyukod sa Tigers.

Sa unang laro sa alas-11 ng umaga ay magtatapat ang Fighting Maroons at ang Adamson Falcons.

Matapos maglista ng 2-0 panimula ay bumagsak ang Diliman-based cagers sa apat na sunod na kamalasan, habang hangad naman ng Falcons na makamit ang kauna-unahan nilang panalo sa first round.

vuukle comment

ACIRC

ADAMSON FALCONS

ANG

ATENEO

ATENEO DE MANILA UNIVERSITY

BLUE EAGLES

FIGHTING MAROONS

GREEN ARCHERS

LA SALLE

MALL OF ASIA ARENA

PASAY CITY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with