^

PSN Palaro

Archers o Wildcats?

AT - Pilipino Star Ngayon

Laro Ngayon

(The Arena, San Juan City)

5 p.m.  NCBA vs La Salle

 

MANILA, Philippines - Magtutuos sa huling pagkakataon ang La Salle Archers at NCBA Wildcats at ang magwawagi ay magpapatuloy pa ang kampanya sa Spikers’ Turf Collegiate Conference.

Ang playoff ay magsisi­mula ngayong alas-5 ng hapon sa The Arena sa San Juan City at tiyak na magiging mainit ang labanan at hindi malayong umabot sa limang sets ang bakbakan dahil sa kaha­lagahan ng makukuha ng mananalo.

Magkasalo sa 3-4 ang Archers at Wildcats at ang magwawagi ang siyang makakalaban ng walang talo na Ateneo Eagles sa best-of-three semifinals na sisimulan sa Lunes.

Ang playoff ay dapat gagawin sa Setyembre 7 pa pero minabuti ng Sports Vision na gawin na ito nga­yon upang hindi masira ang kanilang iskedul at puma­yag din ang mag­kabilang koponan sa pagbabago.

Ang pumapangala­wang National University at Emilio Aguinaldo College ang magkikita sa isa pang laro sa semifinals.

Natalo sa apat na sets ang Archers sa Generals pero sinuwerte pa sila dahil nabigo ang NCBA sa talsik ng UP Maroons na namayani sa five-sets sa larong ginanap noong Miyerkules.

Gagamitin ng La Salle bilang motibasyon ang pagkakaroon pa ng pagkakataon na lumaban para sa huling tiket sa susunod na yugto sa ligang handog ng PLDT Home Ultera.

vuukle comment

ACIRC

ANG

ATENEO EAGLES

EMILIO AGUINALDO COLLEGE

HOME ULTERA

LA SALLE

LA SALLE ARCHERS

LARO NGAYON

NATIONAL UNIVERSITY

SAN JUAN CITY

SPORTS VISION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with