^

PSN Palaro

Solo liderato puntirya ng Lions vs Heavy Bombers

ATan - Pilipino Star Ngayon

Laro Ngayon (The Arena, San Juan City)

10 a.m.  SSC vs Mapua (Jrs)

12 nn SBC vs JRU (Jrs)

2 p.m. SSC vs Mapua (Srs)

4 p.m. SBC vs JRU  (Srs)

MANILA, Philippines – Ikatlong sunod na panalo sa second round para solohin ang liderato sa 91st NCAA men’s basketball ang nais ngayon ng 5-time defending champion San Beda Red Lions sa pagharap sa Jose Rizal University Heavy Bom­bers sa The Arena sa San Juan City.

Ang laro ay siyang tampok na bakbakan dakong alas-4 ng hapon  at ika-10 panalo sa 12 laro ang makukuha ng Red Lions kapag naalpasan ang hamon ng Bombers.

Magkasalo ngayon ang San Beda at pahingang Letran Knights sa unang puwesto sa 9-2 karta habang ang Bombers ay may 6-4 baraha para okupahan ang ikalimang puwesto.

Unang magpapanagupa ang host Mapua at San Sebastian sa ganap na alas-2 ng hapon at nais ng una na hawakan uli ang winning record.

Sa kasalukuyan ay mayroong 5-5- karta para sa ikaanim na puwesto ang Cardinals at kung manalo ay puwede silang makisalo sa ikalimang upuan depende sa magiging resulta sa ikalawang laro.

Galing ang Cardinals mula sa 70-65 panalo laban sa Perpetual Help Altas sa huling laro at aasa uli ang koponan sa galing ng 6’9 import na si Oraeme para manatiling nakatuon sa posibleng pagpasok sa Final Four.

vuukle comment

ANG

FINAL FOUR

JOSE RIZAL UNIVERSITY HEAVY BOM

LARO NGAYON

LETRAN KNIGHTS

MAPUA

PERPETUAL HELP ALTAS

RED LIONS

SAN BEDA

SAN JUAN CITY

STRONG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with