^

PSN Palaro

Fernandez sinibak ng Kazakh boxer

Abac Cordero - Pilipino Star Ngayon

BANGKOK – Ibinigay na ni bantamweight Mario Fernandez ang lahat ng kanyang makakaya, ngunit hindi pa rin ito sapat para talunin niya ang nakaharap na top-seeded foe mula sa Kazakhstan.

Natalo si Fernandez kay Kairat Yeraliyev, 0-3, para tuluyan nang masibak sa 2015 ASBC Asian Bo­xing Championships dito.

Ginamit ni Fernandez ang kanyang left hooks subalit mas nakontrol ni Yeraliyev ang laban patu­ngo sa kanyang unanimous victory.

Nauna nang tinalo ni Yeralivez si Fernandez sa kanilang pagtutuos noong 2013.

“Tumatama talaga yung mga hook ko. Pero maganda rin ang straight niya,” sabi ni Fernandez.

Dahil sa mga suntok ni Fernandez ay nagkaroon ng putok si Yrelivez sa magkabilang kilay sa first round.

Ang ikalawang sugat sa mata ni Yeraliyev ay bunga ng accidental headbutt sa huling mga segundo ng second round.

Ito ang ikalawang sunod na kabiguan ng ABAP-PLDT Philippine team sa Kazakhstan matapos ang pagyukod ni lightweight Charly Suarez kay Zakir Safiullin noong Sabado ng gabi.

Dahil sa kabiguan nina Suarez at Fernandez ay hindi na nila nakamit ang hinahangad na tiket para sa AIBA World Championships sa Doha, Qatar sa Oktubre.

Nakatakda pang lumaban kagabi sina light-fly Rogen Ladon kontra kay Rakhmankul Avatov ng Kyrgyzstan at si welterweight Eumir Felix Marcial katapat si No. 2 seed Israil Madrimov ng Uzbekistan.

Kung mananalo sina Ladon at Marcial, kapwa nagtala ng 3-0 panalo sa preliminary bouts, ay aabante sila sa quarterfinals.

vuukle comment

ACIRC

ANG

ASIAN BO

CHARLY SUAREZ

DAHIL

EUMIR FELIX MARCIAL

FERNANDEZ

ISRAIL MADRIMOV

KAIRAT YERALIYEV

KAZAKHSTAN

MARIO FERNANDEZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with