^

PSN Palaro

Yaya Dub ‘di nakuha ng Ginebra, Mahindra

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Pinag-aagawan siya ng Barangay Ginebra at ng Mahindra (dating Kia) para maging muse sa opening ng 41st season ng Philippine Basketball Association sa Oktubre 18.

Ngunit hindi pa ito panahon para pumarada sa Smart Araneta Coliseum si Yaya Dub (Maine Mendoza).

Ito ang sinabi ni Malou Choa-Fagar ng TAPE Inc., ang producer ng long-time No. 1 noontime show na Eat Bulaga, hinggil sa pagnanais ng Gin Kings ni two-time Grand Slam coach Tim Cone at ng Enforcers ni playing coach Manny Pacquiao na kunin si Mendoza bilang muse.

Nauna nang dinagsa ang social media ng kahi­lingan ng mga Ginebra fans na hiramin ang ‘Dubsmash Queen’ para maging muse.

“Siyempre, mas maganda kung makukuha namin siya as muse kasi mara­ming tao ang natutuwa sa kanya,” sabi ni Gin Kings’ point guard LA Tenorio.

Idinaan naman ni Pacquiao ang kanyang pakiusap kay Eat Bulaga host Sen. Tito Sotto.

“Napapanood ko ‘yung Aldub, masaya,” wika ng Filipino world eight-division champion.

Inaasahang bago matapos ang Setyembre ay may nakuha nang mga muse ang Ginebra at Mahindra para sa opening ceremonies ng 41st PBA season sa Big Dome. (RC)

vuukle comment

ACIRC

ANG

BARANGAY GINEBRA

BIG DOME

DUBSMASH QUEEN

EAT BULAGA

GIN KINGS

GINEBRA

GRAND SLAM

MAHINDRA

MAINE MENDOZA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with