^

PSN Palaro

Ateneo malinis pa rin Arellano humirit pa ng panalo sa La Salle-Dasma

Pilipino Star Ngayon

Laro Ngayon (The Arena, San Juan City)

12:45 p.m.  NU vs UST

3 p.m.  St. Benilde vs UP

MANILA, Philippines – Nakikigulo pa ang Arellano Lady Chiefs kung paghahabol ng upuan sa susunod na round ang pag-uusapan matapos pataubin ang La Salle-Dasmariñas Lady Patriots, 25-20, 25-17, 25-15, kahapon sa Shakey’s V-League Season 12 Collegiate Confe­rence sa The Arena sa San Juan City.

Si Menchie Tubiera ay gumawa ng 13 puntos mula sa walong kills, dalawang blocks at tatlong service aces habang sina Danna Henson, Shirley Salamagos at Christine Joy Rosario ay nagsanib sa 23 puntos upang maitabla ng Lady Chiefs ang karta sa 3-3.

Nananatili sa ikalimang puwesto ang Arellano pero puwede pa silang makahirit ng playoff para sa huling upuan sa semifinals kung manalo sila sa huling laro laban sa St. Benilde Lady Blazers sa Setyembre 5 at umasang hindi makakakuha ng limang panalo  alinman sa National University Lady Bulldogs, UST Tigresses at nagde­depensang kampeon FEU Lady Tamaraws para magkatabla sa mahalagang puwesto.

Nadiskaril ang plano ng Lady Tamaraws na tuhugin na ang ikalawang puwesto sa Final Four sa ligang inorganisa ng Sports Vision katuwang ang Shakey’s at handog ng Sports Vision nang hindi kinaya ang lakas ng Ateneo Lady Eagles na inangkin ang 25-19, 25-14, 25-18, straight sets panalo sa unang laro.

Malamya ang depensa ng FEU at patunay dito ay ang kawalan ng blocks matapos ang 35 attempts para bumaba sa 4-2 baraha.

Huling laro ng koponan ay laban sa UST sa Set­yembre 5 at kailangan nilang manalo rito para makaiwas sa anumang komplikasyon sa planong pagdepensa sa hawak na titulo.

Umakyat ang Ateneo sa 6-0 at sina Alyssa Valdez at Jhoanna Maraguinot ay mayroong 15 at 11 puntos at ang dalawa kasama si Amy Ahomiro ay nagtambal sa 27 kills para sa 38-25 kalamangan sa attack points.

Ang guest player na si Jovelyn Gonzaga ay may 11 attack points at siya lamang ang nasa double-di­gits para bumaba sa ikaapat na puwesto ang FEU. (AT)

vuukle comment

ACIRC

ALYSSA VALDEZ

AMY AHOMIRO

ANG

ARELLANO LADY CHIEFS

ATENEO LADY EAGLES

LADY

LADY TAMARAWS

SAN JUAN CITY

SPORTS VISION

STRONG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with