^

PSN Palaro

Clarkson nais lumaro sa Gilas, pero tutol ang ama

RCadayona - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Maglalaro si Fil-American guard Jordan Clarkson sa kanyang ikalawang season para sa Los Angeles Lakers sa National Basketball Association.

At gusto ng kanyang amang si Mike na mas tutukan ito ng 23-anyos na si Clarkson imbes na maglaro para sa Gilas Pilipinas.

“Unfortunately, the ti­ming couldn’t be worse as he prepares for rigors of the upcoming 2015-2016 NBA season and heightened performance expectations,” sabi ni Mike.

Sinabi kahapon ng 6-foot-5 na si Clarkson na kakausapin niya ang kan­yang ama pag-uwi niya sa United States para magpaliwanag.

“My father has always looked out for my welfare and is only genuinely concerned for my career, my future and my well-being. His thoughts are that of a very loving dad,” wika ng 6-foot-5 na Fil-American na ang inang si Annette ay isinilang sa Angeles, Pampanga.

Lumagda si Clarkson sa isang two-year contract para sa Lakers bago ang kanyang debut season kung saan siya ibinilang sa NBA All-Rookie Team.

Wala pang kasiguruhan kung tunay siyang maka­ka­­paglaro para sa Gilas Pilipinas sa 2015 FIBA Asia Championships sa su­sunod na buwan.

Ngunit tiniyak ni Clarkson ang kanyang kagustuhang maging miyembro ng National team.

Wala pang pahayag ang FIBA Asia kung maa­aring maglaro ang produkto ng University of Missouri standout sa FIBA Asia Championships na naka­takda sa Setyembre 23 hanggang Oktubre 3 sa Changsa, China.

Dapat din siyang maka­kuha ng approval mula sa NBA at sa La­kers na humugot sa kanya matapos siyang i-trade ng Wa­shington Wizards bilang 46th overall pick noong 2014 NBA Rookie Draft.

Sumama si Clarkson sa ensayo ng Gilas ni coach Tab Baldwin noong Miyerkules ng gabi at magi­ging ‘observer’ sa pagsabak ng koponan sa William Jones Cup Invitational sa Chinese-Taipei sa Agosto 29 hanggang Setyembre 6.

Ang FIBA Asia Championhips ang tumatayong qualifying tournament para sa 2016 Olympic Games sa Brazil.

vuukle comment

ACIRC

ALL-ROOKIE TEAM

ANG

ASIA CHAMPIONHIPS

ASIA CHAMPIONSHIPS

CLARKSON

FIL-AMERICAN

GILAS PILIPINAS

JORDAN CLARKSON

LOS ANGELES LAKERS

SHY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with