^

PSN Palaro

Abueva, Romeo at Thoss mga bagong hinugot Fajardo, Tenorio at Pingris isinama sa National pool

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - May foot injury si back-to-back PBA Most Valuable Player June Mar Fajardo ng San Miguel, habang inirereklamo ni Ginebra point guard LA Tenorio ang ‘fatigue’ at kasalukuyan namang nasa France si Star forward Marc Pingris para sa family vacation.

Ngunit inen­dorso kahapon ng PBA  sina Fajar­do, Te­norio at Pingris sa 16-man pool ng Gilas Pilipinas.

Sina Fajardo, Tenorio at Pingris ay pinayagan ng San Miguel Corporation (SMC) na isama sa ‘working pool’ na paghuhugutan ng Final 12 ng Gilas Pilipinas.

“In our desire to form the best national team for FIBA Asia in September, the PBA is endorsing to Sa­mahang Basketbol ng Pilipinas an initial list of pla­yers,” sabi ng PBA.

Maliban kina Fajardo, Te­­norio at Pingris, ang iba pang nasa 16-man pool ay sina Jayson Castro, Ra­nidel de Ocampo, Matt- Ga­nuelas Rosser at Kelly Williams ng Talk ‘N Text, Asi Taulava at Aldrech Ramos ng NLEX, Terrence Ro­­meo ng Globalport, Ga­ry David ng Meralco, JC Intal ng Barako Bull, Gabe Norwood ng Rain or Shine, Sonny Thoss, Dondon Hontiveros at Calvin Abueva ng Alaska.

Si Abueva ay kasama sa Manila North na lalahok sa 2015 FIBA 3x3 World Tour Finals sa Oktubre 15 at 16.

Paghahandaan ng Na­­tionals ang 2015 FIBA Asia Championships, naka­takda sa Setyembre 23 hanggang Oktubre 3 sa Changsa, China, na siyang qualifying tournament para sa 2016 Olympic Games sa Rio De Janeiro, Brazil.

Ang magkakampeon sa 2015 FIBA Asia Championships ang kakatawan sa Asya para sa 2016 Rio Olympics.

Maaari pang kumuha si Baldwin ng karagdagang players para sa ‘working pool’.

Ilan dito ay sina dating Gilas Pilipinas point guard Jimmy Alapag at National University Bulldogs star Jeth Troy Rosario.

Ang 6’7 na si Rosario ay naging player ni Baldwin sa Gilas Cadets na nag-uwi ng gintong medalya sa na­karaang 28th Southeast Asian Games sa Singapore.

Matapos naman ang 2014 FIBA World Cup  sa Spain na sinabakan ng Na­­­tionals sa ilalim ng paggiya ni dating mentor Chot Reyes ay nagretiro ang 5’8 na si Alapag.

Ang 36-anyos na si Ala­pag ay ang team ma­nager ngayon ng Talk ‘N Text Tro­pang Texters.

Nasa coaching staff din siya ni Baldwin sa Gilas Pi­lipinas.

Samantala, dumating na sa bansa kahapon si 6’11 naturalized Andray Blatche.

Muling tutulungan ni Blatche ang Nationals sa pagtarget sa tiket sa 2016 Rio Olympics.

Sa kanyang kampanya sa 2014 FIBA World Cup ay nagtala si Blatche ng mga averages na 21.2 points, 13.8 rebounds at 1.6 steals per game.

Ang nine-year NBA ve­teran na si Blatche, naglaro para sa Brooklyn Nets, ay nauna nang pumirma ng three-year, $7.5 million contract sa Xinjiang Flying Tigers sa Chinese Basketball Association.

Sinabi ng 28-anyos na si Blatche na nasasabik siyang muling maglaro para sa Gilas Pilipinas matapos noong 2014 FIBA World Cup sa Spain.

 

vuukle comment

ACIRC

ALDRECH RAMOS

ANDRAY BLATCHE

ANG

ASIA CHAMPIONSHIPS

BALDWIN

GILAS PILIPINAS

PINGRIS

RIO OLYMPICS

SHY

WORLD CUP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with