^

PSN Palaro

Taulava at Romeo bagong hugot sa Gilas

RCadayona - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Dumating ang mga inim­bitahan ni head coach Tab Baldwin para sa ensa­yo ng training pool ng Gilas Pilipinas noong Miyerkules ng gabi sa Meralco Gym.

Kabilang sa mga sor­pre­sang inanyayahan ni Baldwin ay sina one-time PBA Most Valuable Player Asi Taulava ng NLEX, Globalport scoring guard Terrence Romeo, Barako Bull big guard JC Intal at Natio­nal University Bulldogs star Jeth Troy Rosario.

Si Rosario ay naging pla­yer ni Baldwin sa Gilas Cadets na nag-uwi ng gold medal mula sa 28th Southeast Asian Games sa Singapore.

Ang iba pang duma­ting ay sina Jayson Castro at Ranidel de Ocampo ng Talk ‘N Text, Gary David ng Me­­ralco, Aldrech Ramos ng NLEX, Sonny Thoss at Dondon Hontiveros ng Alaska at Matt Ganuelas-Rosser ng Talk ‘N Text.

Tanging si De Ocampo ang hindi sumali sa ensayo ng grupo at sa halip ay na­nood lamang sa bench.

Sina Castro, De Ocampo at David ay bahagi ng Gilas PIlipinas na sumabak sa 2014 FIBA World Cup sa Spain matapos makuntento sa silver medal noong 2013 FIBA Asia Championships na idinaos sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.

Hindi naman dumalo si­na back-to-back PBA Most Valuable Player June Mar Fajardo ng San Miguel, Marc Pingris ng Star, LA Te­norio ng Ginebra, Paul Lee at Jefff Chan ng Rain or Shine.

Sinabi nina Fajardo at Pingris na may mga injury sila, habang idinahilan ni Tenorio ang pagkakaroon ng ‘fatiguie’.

Hindi naman malinaw kung hindi pinayagan ng Elasto Painters sina Lee at Chan.

Sinabi ni Baldwin na iha­hayag niya at ng Sama­hang Basketbol ng Pilipinas ang Final 12 ng Gilas Pil­i­pinas sa Lunes.

Pinaghahandaan ng Gi­­las Pilipinas ang pagsa­bak sa 2015 FIBA Asia Championship sa Setyembre 23 hanggang Oktubre 3 sa Changsha, China.

Ang nasabing torneo ang masisilbing regional qualifier para sa 2016 Olym­pic Games sa Rio de Janeiro, Brazil.

Dapat maghari ang Na­tionals sa FIBA Asia Championships para masikwat ang nag-iisang tiket patu­ngo sa 2016 Rio Olympics.

Huling nakapaglaro ang Pilipinas sa Olympics no­ong 1972 Games sa Mu­nich.

Samantala, naniniwala si SBP executive director Sonny Barrios na tutuparin ni naturalized player Andray Blatche, sinasabing ayaw bigyan ng release papers ng kanyang Chinese team, ang kanyang kontrata sa SBP.

Ang 6-foot-11 na si Blatche ang kumamada para sa Gilas Pilipinas ni mentor Chot Reyes noong 2014 FIBA World Cup.

Sinabi ni Barrios na ini­hahanap na ng kanyang ma­titirhan si Blatche sa bansa.

vuukle comment

ACIRC

ANG

ASIA CHAMPIONSHIPS

BALDWIN

DE OCAMPO

GILAS PILIPINAS

N TEXT

PILIPINAS

SHY

SINABI

WORLD CUP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with