^

PSN Palaro

SBP umaasang makakalaro si Blatche sa Gilas, Baldwin wala pang nabubuong pool para sa FIBA Asia Championships

RCadayona - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Tanging si naturalized player Andray Blatche pa la­mang ang posibleng maglalaro para sa Gilas Pilipinas sa FIBA Asia Championships, ang qualifying tournament para sa 2016 Olympic Games sa Rio De Janeiro, Brazil.

“May kontrata si Andray Blatche sa atin kaya si­gu­ra­dong maglalaro siya para sa Gilas Pilipinas,” sabi ka­­hapon ni Samahang Basketbol ng Pilipinas executive director Sonny Barrios sa kanyang pagbisita sa lingguhang PSA Forum sa Shakey’s Malate.

“As a matter of fact, last week pa may naghahanap na ng matitirhan niya para pagdating niya rito nakahanda na,” dagdag pa nito.

Sinasabing ayaw bigyan ng release papers ng isang Chinese team si Blatche.

Matapos tulungan ni 6-foot-11 naturalized center Mar­cus Douthit na makuha ang silver medal sa 2013 FIBA Asia Championships ay si Blatche, naglaro sa NBA para sa Brooklyn Nets, ang kumampanya para sa Nationals sa 2014 FIBA World Cup sa Spain.

Humakot ang 6’11 na si Blatche ng 18 points at 14 re­­bounds sa 81-79 nag-iisang panalo ng Gilas Pilipinas sa 2014 FIBA World Cup kontra sa Senegal.

Kung tiyak na ang paglalaro ni Blatche sa Nationals ay taliwas naman ito sa mga local cagers na gustong hiramin ni national coach Tab Baldwin para sa training pool.

Hanggang ngayon ay wala pang nabubuong national training pool si Baldwin para sa Gilas Pilipinas na sasabak sa FIBA Asia Championships sa Setyembre 23 hanggang Oktubre 3 sa Changsha, China.

"Sa totoo lang hindi pa kumpleto 'yung pool of pla­yers na gusto nating isama para sa training pool," wika ni Barrios. "Medyo nag-uusap pa ang SBP at ang PBA."

Nagsumite na si Baldwin ng 26 pangalan sa SBP para sa bubuo sa kanyang national training pool kung saan kukunin ang Final 12 para sa Gilas PIlipinas.

"Between now and Monday there should be a movement regarding kung sino ang maisasama sa listahan o kung sino ang wala," ani Barrios kay Baldwin, tinulungan ang Gilas Cadets para sa pagsikwat ng gold medal ng nakaraang 28th Southeast Asian Games sa Singapore.

Sa pamamahala ni national coach Chot Reyes ay kinuha ng Gilas Pilipinas ang silver medal sa 2013 FIBA Asia Championship na idinaos sa Manila para makapag­laro sa 2014 FIBA World Cup sa Spain.

Tumayong team consultant ni Reyes si Baldwin sa 2013 FIBA Asia Championships para sa Nationals.

"Hindi naman too late na tayo. It may be not that ideal. But Filipinos are known to rise to the challenge of adversity,” sabi ni Barrios sa kakapusan ng panahon ni Baldwin sa pagbubuo ng koponan

“We should be realistic. He has to deal with the cards he’s dealt with,” dagdag pa ng SBP official.

Lalo pang nadagdagan ang problema ni Baldwin sa paghahanap ng mga players nang magkakasunod na tumanggi sina back-to-back Most Valuable Player June Mar Fajardo ng San Miguel, Marc Pingris ng Star at LA Tenorio ng Barangay Ginebra.

Parehong idinahilan nina Fajardo at Pingris ang ka­nilang mga injury, habang ang 'fatigue' naman ang ra­son ni Tenorio.

Sina Fajardo, Pingris at Tenorio ay bahagi ng Natio­nals na sumabak sa 2014 World Cup.

vuukle comment

ACIRC

ANDRAY BLATCHE

ANG

ASIA CHAMPIONSHIPS

BALDWIN

FIBA

GILAS PILIPINAS

PARA

SHY

TENORIO

WORLD CUP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with