^

PSN Palaro

Harden sapaw kay Derozan; Blazers pasok sa playoffs

Pilipino Star Ngayon

TORONTO — Tumipa si DeMar DeRozan ng career-high na 42 points at dinuplika ang kanyang career high na 11 rebounds para banderahan ang Raptors sa 99-96 panalo sa Houston Rockets.

Ito ang pang-walong sunod na panalo ng Toronto laban sa Houston sa kanilang balwarte.

Umiskor si DeRozan ng go-ahead turnaround bank shot sa huling 1:27 minuto sa final quarter at sinelyuhan ang panalo ng Raptors mula sa kanyang jumper laban kay Rockets’ star James Harden sa nalalabing 18 segundo.

“It’s definitely cool because we’ve been playing against each other since we were kids,’’ sabi ni DeRozan kay Harden na lumaki rin sa Los Angeles area. “That’s one of my close friends in the league to this day”.

Nagdagdag naman si Jonas Valanciunas ng 15 para sa Toronto, habang may 13 si Lou Williams.

Umiskor si Harden ng 31 points sa panig ng Houston.

Sa Portland, nakuha ng Trail Blazers ang isang playoff spot para makalapit sa pagsikwat sa Northwest Division title.

Inangkin ng Blazers ang isang playoff berth matapos iposte ang 109-86 panalo laban sa Phoenix Suns.

Nagtala si Damian Li­l­lard ng 19 points at nagdag­dag si LaMarcus Aldridge ng 17 points at 7 rebounds para sa Blazers, ipinahinga ang kanilang mga starters sa fourth quarter nang magtayo ng 92-65 kalamangan.

Ito ang ikaapat na sunod na kabiguan ng Suns at posible pang mawala sa playoff picture.

vuukle comment

ACIRC

ANG

DAMIAN LI

HOUSTON ROCKETS

ITO

JAMES HARDEN

JONAS VALANCIUNAS

LOS ANGELES

LOU WILLIAMS

NORTHWEST DIVISION

PHOENIX SUNS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with