^

PSN Palaro

Rising Suns palaban sa titulo sa Spiker’s Turf

ATan - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Ipamamalas ng Caga­yan Valley Rising Suns ang pinatatag na puwersa sa pagsasanib ng mga manlalaro mula sa Ateneo at National University sa pagbubukas ng Spikers’  Turf sa Linggo (Abril 5) sa The Arena sa San Juan City.

Solido ang puwersa ng Rising Suns dahil magkakasama ang back-to-back MVP ng UAAP sa huling dalawang taon na si Marck Jesus Espejo at da­ting MVP at national player na si Peter Torres upang gabayan ang koponan sa posibleng kampeonato sa walong koponang liga na inorganisa ng Sports Vision.

Ang Rising Suns ay sasalang sa aksyon laban sa Cignal HD Spikers sa natatanging laro ng liga at magsisimula sa ganap na alas-9 ng umaga.

Ipantatapat ng HD Spi­kers sina Reyson Fuentes, Alexis Faytaren, Jay dela Cruz at Lorenzo Capate Jr. sa planong makapanggulat agad sa ligang handog ng PLDT Home Ultera at may ayuda ng Mikasa.

Ang iba pang koponang kasali ay ang Instituto Estetico Manila, Cavite Patriots Fourbees, Air Force, Army, PLDT Ultera at Champion Infinity na dating nakilala bilang Systema.

Ang IEM ay magta­tangka na masundan ang titulong napanalunan sa men’s division ng Shakey’s V-League noong nakaraang taon at aasa sila sa husay nina Carlo Almario, Jason Canlas at MVP ng torneo na si Jeff Jimenez.

vuukle comment

ACIRC

AIR FORCE

ALEXIS FAYTAREN

ANG

ANG RISING SUNS

CARLO ALMARIO

CAVITE PATRIOTS FOURBEES

CHAMPION INFINITY

HOME ULTERA

INSTITUTO ESTETICO MANILA

JASON CANLAS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with