^

PSN Palaro

Masamang panimula nais kalimutan ng Hapee

Pilipino Star Ngayon

Laro Ngayon JCSGO Gym

11 a.m. Tanduay Light vs AMA University

1p.m.  ATC Liver Marin vs Hapee

MANILA, Philippines – Pagtatangkaan ng Hapee ang makabalikwas mula sa di magandang panimula sa pagpapa­tuloy ng PBA D-League Foundation Cup ngayon sa JCSGO Gym, Cubao, Quezon City.

Katunggali ng Hapee ang baguhang ATC Liver Marin sa tampok na laro na magsisimula matapos ang unang pagtutuos ng Tanduay Light  at AMA University sa alas-11 ng umaga.

Galing ang Titans mula sa 70-75 pagkatalo sa Cagayan Valley Rising Suns sa huling asignatura sa larong nakitaan si Jay-R Taganas ng paghablot ng 29 rebounds.

“Jay-R has been our consistent player. He’s not a big time scorer by he helps the team with his reboun­ding,” wika ni Titans coach Mark Herrera.

Sa kabilang banda, ang Rhum Masters ay manga­ngailangan ng magandang teamwork para maiangat ang karta na nasa 1-1.

Ang Aspirants’ Cup champion Hapee ay may 0-1 baraha at tiyak na magpupursigi para makuha ang unang panalo upang hindi malagay sa huling puwesto.

Nangapa ang Fresh Fighters sa kanilang dating bangis dahil nawala sa koponan ang mga kamador ng San Beda sa pangu­nguna ni Ola Adeogun.

Ang Red Lions ay magsisimula na ng paghahanda para sa 91st NCAA season.

Sina Earl Scottie Thompson, Troy Rosario at Chris Newsome ang mga mangunguna sa koponan ni coach Ronnie Magsanoc sa hangaring itulak pa sa ilalim ang Liver Marin. (AT)

vuukle comment

ACIRC

ANG

ANG ASPIRANTS

ANG RED LIONS

CAGAYAN VALLEY RISING SUNS

CHRIS NEWSOME

D-LEAGUE FOUNDATION CUP

HAPEE

LIVER MARIN

STRONG

TANDUAY LIGHT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with