^

PSN Palaro

Bucks nalusutan ang Pacers, paghahabol sa playoffs tumibay

Pilipino Star Ngayon

MILWAUKEE -- Nagposte si Ersan Ilyasova ng ca­reer-high 34 points para banderahan ang Bucks sa 111-107 panalo laban sa Indiana Pacers at buhayin ang kanilang pag-asa sa playoffs.

“Sometimes, you have days like this,’’ wika ni Ilyasova.

Naglista si Ilyasova ng 12 of 14 fieldgoal shoo­ting at nagtala ng 5 of 6 sa 3-point range.

Nag-ambag si Khris Middleton ng 17 points kasunod ang 16 ni Giannis Antetokounmpo para sa Bucks, nakamit ang kanilang ikalawang sunod na panalo matapos basagin ang six-game losing slump.

Naimintis naman ni George Hill ang isang potensyal na three-pointer sa huling mga segundo na siya sanang nagtabla sa Indiana papunta sa overtime.

Kumamada si C.J. Miles ng 26 points, habang nagdagdag si Hill ng 24 at may 23 si C. J. Watson sa panig ng Pacers.

Naglaro ang Indiana na wala si forward David West na may allergic reaction.

Nagbukas ang Bucks ng double-digits na kalama­ngan pero ginamit ng Pacers ang galing sa 3-point shooting para makadikit sa labanan.

Dalawang free throws ni Watson at jumper ni Roy Hibbert ang naglapit sa Pacers sa 109-107.

Isang  free throw lamang ang naisalpak ni Antetokounmpo para gawing tatlo ang kalamangan sa huling 11.6 segundo.

Nagawang pumukol ng tres si Hill pero sablay ito habang split ang naihatid ni Jerry Bayless para sel­yuhan ang panalo.

vuukle comment

DAVID WEST

ERSAN ILYASOVA

GEORGE HILL

GIANNIS ANTETOKOUNMPO

ILYASOVA

INDIANA PACERS

JERRY BAYLESS

KHRIS MIDDLETON

ROY HIBBERT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with