^

PSN Palaro

5-peat sa Lady Falcons

ATan - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Maagang nagtrabaho ang Adamson Lady Falcons para maisakatuparan ang mithiing 5-peat sa UAAP softball sa 10-0 panalo sa UP Lady Maroons kahapon sa Rizal Memorial Ballpark.

Si Annalie Benjamen ay nagbigay lamang ng tatlong hits sa pitong inning game habang nakitaan ng init ng pagpalo si Queeny Sabobo para maipagkaloob sa Lady Falcons ang 16-0 sweep.

“History ito para sa Adamson dahil first time ito na naka-5-peat kami at first time na sa double round elimination ay  regulated ang lahat ng panalo namin,” buong pagmamalaki ni Lady Falcons coach Ana Santiago.

Kulang pa ito, isama pa ang 62-0 karta ngayon ng koponan na nagsimula noon pang 2011.

“Marami ang nagsabing mahihirapan kami dahil limang starters ko sa huling apat na taon ang nawala na. Kaya ang lagi kong sinasabi sa kanila ay wala na silang masasandalan na mga beterana kaya’t sila-sila dapat ang magtulung-tulong,” dagdag ni Santiago na nasa kanyang ika-11th taon sa koponan at napanalunan ang kanyang ika-siyam na titulo.

vuukle comment

ADAMSON

ADAMSON LADY FALCONS

ANA SANTIAGO

KAYA

LADY FALCONS

LADY MAROONS

MAAGANG

QUEENY SABOBO

RIZAL MEMORIAL BALLPARK

SI ANNALIE BENJAMEN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with