^

PSN Palaro

Tierro nakaganti na kay Godmanna

ATan - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Ipinakita ni Patrick John Tierro ang puso ng isang Pinoy nang bumangon siya mula sa pagkatalo sa unang dalawang sets tungo sa 5-7, 3-6, 6-4, 6-0, 6-3, tagumpay laban kay Harshana Godmanna ng Sri Lanka sa pagsisimula kagabi ng 2015 Asia-Oceania Zone Group II Davis Cup opening tie sa shell court sa Valle Verde Country Club sa Pasig City.

Ang panalo ng number one player ng Pilipinas ang nagbigay ng mahalagang 1-0 kalamangan sa best-of-five tie at naipaghiganti rin ni Tierro ang five-set pagkatalo sa katunggali sa pagtutuos noong nakaraang taon

Kasalukuyang nakikipaglaban ang number two netter ng bansa na si Fil-Am Ruben Gonzales sa top bet ng bisitang koponan ang 19-anyos na si Sharmal Dissnayake kung saan asam na  ibigay sa Pinas ang 2-0 kalamangan habang sinusulat ito.

Ang kompetisyon ay magpapatuloy ngayong alas-3 ng hapon sa isang doubles match at nominado para sa Pilipinas sina Fil-Am Treat Huey at Francis Casey Alcantara laban kina Godmanna at Dissnayake.

“Nakaramdam din ng pressure gusto ko rin ka­sing bumawi. Last year was heart breaking at kung matalo pa ngayon mas heart breaking. Pero sabi ni coach mas malakas ako sa kanya at every point ang pagtuunan ko,” wika ni Tierro.

Nalagay sa peligro ang asam na panalo ni Tierro dahil sa 0-2 panimula.

Balikatan ang nangyari sa ikatlong set pero nakuha ni Tierro ang mahalagang break sa 10th game na kung saan nagtala ng dalawang double-fault si Godmanna tungo sa break point at makaisa siya sa tagisan.

Patuloy na nagkalat ang Sri Lankan netter para makuha ni Tierro ang 6-0 panalo sa fourth set bago  binigyan ang sarili ng komportableng 3-0 kalamangan sa huling fifth set.

Napalaban sa ninth game si Tierro nang napa­kawalan niya ang naunang tatlong matchpoint.

vuukle comment

ASIA-OCEANIA ZONE GROUP

DAVIS CUP

FIL-AM RUBEN GONZALES

FIL-AM TREAT HUEY

FRANCIS CASEY ALCANTARA

GODMANNA

HARSHANA GODMANNA

PASIG CITY

TIERRO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with