^

PSN Palaro

Para talunin ni Pacquiao si Mayweather Roach tamang diskarte gagawin

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nagsimula na ang trash talking sa pagitan ng mga humahawak kina Manny Pacquiao at Floyd Mayweather Jr.

Minaliit ni Freddie Roach ang galing ng ama ng pound for pound king na si Floyd Sr. kaya’t kumbinsido siyang mananalo sila ni Pacman sa laban sa Mayo 2 sa MGM Grand Arena  sa Las Vegas.

Ayon kay Roach, nagpapanalo si Mayweather dahil sa galing ng tiyuhin na si Roger.

“Floyd got 90 percent of his wins with Roger wor­king with him. Roger is way better. I think Floyd Sr. is a terrible cornerman. I really do,” wika ni Roach.

Ganti  ito ni Roach ma­tapos ihayag ng nakatatandang Mayweather na ma­da­ling laban ito para sa kanyang anak na hanap ang  ika-48 sunod na panalo.

“This fight here will be one of my son’s easiest fights,” ani Mayweather Sr.

Tinuran ni Roach na magaling si Mayweather pero ito ay dahil likas na magaling  at  talagang nagti­tiyaga sa pagsasanay.

“You have to give him a ton of credit. He has great  talent, but he’s extremely smart in the ring. He knows what he’s doing; he’s a self-made guy,” dagdag ni Roach.

Kaya nga aminado si Roach na kailangang ma­ging maganda ang gaga­wing diskarte nila kay Pacquiao para makuha ang  ha­nap na mahalagang pa­nalo.

Ang  mga titulo sa WBC, WBA at WBO welterweight division ang paglalabanan sa pinakasasabikang laban sa kapanahunang ito.

Wala ring rematch ito kaya’t ang mananalo ay tunay na maipagmamalaki na siya ang pinakamahusay sa kanilang dalawa. (AT)

vuukle comment

FLOYD MAYWEATHER JR.

FLOYD SR.

FREDDIE ROACH

GRAND ARENA

LAS VEGAS

MAYWEATHER

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with