^

PSN Palaro

US training ni Pacman sinimulan na ni Buboy

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Habang wala si chief trainer Freddie Roach ay sina Filipino assistant trainer Buboy Fernandez at Marvin Somodio ang pansamantalang mangangasiwa sa routine workout ni Manny Pacquiao na nagsimula na nitong Lunes sa Wild Card Boxing Club sa Hollywood, California.

Ngunit wala itong diperensya para sa training camp ng Filipino world eight-division champion.

“I have Buboy with me and Freddie will be back in plenty of time,” wika ni Pacquiao sa panayam ng Yahoo Sports kahapon. “I’m OK. I can get my work done.”

Nasa Macau si Roach para sa laban ni Chinese two-time Olympic gold medalist Zou Shiming kay IBF flyweight world champion Amnat Ruenroeng ng Thailand sa Linggo.

Matapos ang laban ni Shiming ay kaagad babalik si Roach sa Wild Card Gym para paigtingin ang pagsasanay ni Pacquiao.

Kasama rin sa Team Pacquiao si strength and conditioning coach Justin Fortune.

Alam na ni Pacquiao ang mga lakas at kahinaan ni Mayweather, lalabanan niya sa Mayo 2 sa MGM Grand sa Las Vegas, Nevada.

Isang beses lamang magkikita sa press conference sina Pacquiao at Mayweather at ito ay sa Marso 11 sa Los Angeles.

Ito ang magiging ikalawang pagkakataon na magtatagpo sina Pacquiao at Mayweather matapos noong Enero 27 kung saan nagkrus ang kanilang mga landas sa laro ng Miami at Milwaukee sa Miami, Florida. (RC)

vuukle comment

AMNAT RUENROENG

BUBOY FERNANDEZ

FREDDIE ROACH

JUSTIN FORTUNE

LAS VEGAS

LOS ANGELES

MARVIN SOMODIO

MAYWEATHER

NASA MACAU

PACQUIAO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with